Chapter 35

18 6 0
                                    

Maaga akong pumasok ngayon para sana makibalita sa kung ano ng nangyari kay Chezca.

" Goodmorning po, " Bati ko sa guard, it was the same guard noong nag transfer kami dito.

Habang ako ay naglalakad sa field ng Alexus ay  nakaramdam na naman ako ng kakaiba, nagtaasan ang aking mga balahibo. Hindi naman ako natatae kaya nagtataka ako.

Nang makalagpas ako sa gate papuntang Senior High ay biglang may pumasok sa aking isip. Sa pagkaka alam ko ay ang gate na humaharang sa College Department at Senior High ay palaging naka lock pero kagabi ay nakabukas ito at hindi nakadandado.

" Strange " Mahinang sambit ko habang naka tanaw sa mataas na gate.

Nakalimutan ba itong ilock ng mga guards? Or does it have something to do with Chezca?

Umiling iling ako at mahinang tinapik tapik ang magkabilang pisnge. Masyado na akong nag-iisip.

" Let's not jump to conclusions, okay? " Nagsimula na akong maglakad ngunit may kakaiba talaga akong nararamdaman.

Habang naglalakad ako ay may mga pulis akong nakikita. Nakakapagtaka naman, anong meron? Lalo akong nagka kutob na mayroon talagang masamang nangyari. Binilisan ko ang paglalakad ko upang makarating agad sa classroom.

Habang naglalakad ay pinagtitinginan ako ng mga students, which is hindi naman bago sa akin but today kakaiba ang titig nila sa akin para bang naawa sila sa akin but visible pa din sa mga mata nila ang takot.

" Naku! Sabi na e, dapat hindi talaga ako nag-aral dito, "

" Grabe! Nakakaawa sila, "

" Buti na lang bobo ako at hindi napunta sa section nila, "

Isa lang yan sa mga bulung bulungan na naririnig ko habang ako ay naglalakad.

" Nabalitaan niyo na ba yung nangyari kay Chezca Romero? Grabe! "

Napahinto ako sa paglalakad at humarap sa dalawang babae na nag uusap. Nagulat sila ng mapatingin sa akin, agad nagbaba ang dalawa ng tingin ng mapagtanto na kabilang ako sa Star Section.

" Ano yun? Anong balita? What happened to Chezca? " Sunud sunod na tanong ko.

Sabay silang umiling at bigla na lang tumakbo. I knew it! Something happened.

Tumakbo ako paakyat sa palapag kung nasaan ang aming classroom, nasa dulo pa lang ako ng pasilyo ng makita ko ang mga kaklase ko na nagtitipon sa labas at pilit na sumisilip sa bintana ng room namin.

Ang ibang students ay nakasilip sa kani- kanilang mga pinto at bintan ng silid pero nang mapadaan ako ay agad silang nagsipasukan.

Hindi ko na sila pinansin at tinawag si Jay ng makita ko.

" Jay! " Sigaw ko. Tumingin ito sa akin at sinenyasan ako na bilisan ang paglalakad.

" Anong nangyayari? Bakit kayo nasa labas? " Takang tanong ko.

" Si Chezca! Nagbikti, " Nataranta ako sa sinabi niya at nakipagsiksikan sa mga kaklase ko para tignan kung ano ang nangyayari sa loob.

" Oh My God! " Napatakip ako ng bibig ng makita ko siyang tinatanggal ng mga pulis mula sa pagkakasabit.

" No! Chezca! " I saw Jade crying sa may pintuan ng room. Pilit siyang pinapaalis ng mga pulis pero ayaw nitong magpatinag.

We were instructed to stay on the Library for the meantime. Samara was so furious on what happened.

Lahat kami ay malungkot sa pagkawala ni Chezca especially Jade.

" So, totoo nga yung babaeng nakaitim? " Bulong na tanong ni Jay sa aking tabi.

" Girl, paulit-ulit? Nakita na nga natin kagabi diba? " It was Nicole who answer Jay.

" Nakita niyo ang alin? " Nagtatakang tanong ni Francine, sinamaan ko naman siya ng tingin.

Hindi niya pinansin ang mga nanlilisik na tingin ko sa kaniya at tinaasan lang ako ng kilay.

" Kagabi kasi nung nag-iikot kami may nakita kami babaeng naka-itim tapos hinabolpa kami buti na lang talaga naka takbo kami, " Kwento ni Ann.

" Btw, Ano yung pinag-usapan niyo ni Prof Ramirez at ang tagal mo nawala, ha? " Nicole asked. Napa ayos naman ito ng upo at biglang naging balisa.

" P-Prof.. umm he j-just asked me... if i want t-to umm join the contest.. yeah.. " Liar!

" Join the contest? Anong contest? Math ang handle ni Prof, ano isasali ka niya sa Math? E, bobo ka nga sa Math, e! " Sinamaan naman siya ng tingin ni Francine.

" What? Totoo naman, ha? Alam mo mas maniniwala pa ko kung si Andrea ang pinasali niya, " Francine just show her middle finger at Nicole then rolled her eyes again.

Pumasok si Samara na galit na galit pa din ang itsura.

" The Class will resume after lunch, " Umupo ito at sinandala ang kaniyang katawan sa sandalan. Frustration was evident on her eyes.

" What?! Hindi man lang ba iimbestigahan ang nangyari kay Chezca?! " Gulat na gulat na tanong ni Jade.

" The police refused to investigate anymore dahil it was obviously a suicide, " Paliwanag ni Samara.

" No! She will never do that! She's so happy yesterday.... I know her.. she will never do that... " Nanghihinang sambit nito.

Awang awa ang lahat ng ito sa kaniya. Tumayo si Samara sa pagkaka upo at pinuntahan ito.

" I know this is hard, but you'll get through this, okay? We will help you hmm. I'm so sorry. " Tuluyan ng nagbreak down si Jade sa pagko comfort ni Smaara.

Samara was really a kind person. No wonder kung bakit siya ang naluklok na pangulo. Pantay ang tingin niya sa lahat ng students, may it be part of Star Section or just an ordinary student.

We became emotional at that moment ang lahat ay naiyak na din, ang iba ay tahimik lang pero may pumapatak na luha mula sa kanilang mga mata.



" Napakasarap makita na lumuluha ang lahat. Hindi na ako makapag hintay pa na makita ang ganiyang itsura ninyo araw-araw. Hayyy, 1 down, 6 more to go " Sambit nito sa kaniyang isip.

Bumaling ang tingin niya kay Jade na hindi magka mayaw sa pag agos ng luha sa kaniyang mga mata.

" Pasensya na sa kaibigan mo.... Nadamay pa siya... "




The Dean announce that it is better if we just go home. Masyadong masakit para sa amin kung itutuloy ang klase na para bang walang nangyari.

Mr. and Mrs. Romero, the parents of Chezca was so devastated of the news,  that their daughter was already dead.

Ang Babaeng NakaitimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon