Chapter 40

12 3 2
                                    

Halu-halo ang aking nararamdaman ngayon, hindi ko na matukoy kung ano ang mga ito ngunit may isang nangingibabaw, takot..

Takot dahil dumating na ang panahon na isa isa ng mabubunyag ang mga sikretong kay tagal kong nilihim,

Takot dahil dumating na ang araw na alam kong magpapabago sa buhay naming lahat,

Takot dahil dumating na ang araw na masisisra na ang pagkakaibigan naming lahat na kay tagal kong iningatan,

Takot dahil baka ito na ang huli....

Ito na ang huli na makikita ko sila, ito na ang huli na magkakasama kaming pito,

" Gen, why are you doing this? H-how c-can y-you..... " Hindi makapaniwalang tanong ni Ann nang maabutan namin ito.

" Gen... pakawalan mo si Francine at si Jay... mag-usap tayo.. please... " Napatawa naman ito ng malakas sa aking paki-usap.

" AHHHHHH " Marahas niyang hinablot ang buhok ni Francine dahilan upang mapasigaw ng malakas ito.

" Pag-usapan? Pag-usapan ang alin? Wala tayong pag-uusapan dahil iisa-isahin ko kayo! " Galit na galit na sambit nito.

" Bakit mo ba ginagawa ito! " Tanong ni Ann na kanina pa hindi matigil sa pag-iyak dahil sa kaniyang nakikita.

" Mag kaibigan tayo.. kaibigan mo kami... " Dugtong pa nito.

" Kaibigan? Nagpapatawa ka ba? Kung noon maituturing ko pa kayong kaibigan, ngayon hindi na! Pagkatapos niyong sirain ang buhay ko? Kunin ang mga mahal ko sa buhay? Sa tingin mo kaibigan pa ang maituturing ko sainyo? Ha?! Hindi niyo alam yung pinag daanan ko! "

" Gen.. kumalma ka.. please... " Paki-usap ko dito. Sinamaan niya ako ng tingin nang magsalita ako.

" Isa ka pa! Kung hindi ka lang pakialamera, edi sana nagawa ko na ng maayos ang mga plano ko! " Paninisi nito sa akin.

" Masyado ka kasing nagmamagaling! " Dugtong pa nito.

" G-Gen... stop this... " Pagmamaka awa ni Francine, hindi na halos marinig ang kaniyang boses dahil sa panghihina.

Mahigpit pa din ang pagkakahawak ni Gen sa buhok ni Francine.

Nandito kami ngayon sa Habitacion Secreta, halos dalawang oras din kaming nagtalo at sinagot ang mga tanong sa aming isipan bago kami gumawa ng plano na makakabuti para sa lahat,

Apat lang kaming natira dito sa Alexus dahil minabuti ko na unahin nila ang kanilang sarili. Hindi ko alam kung paano sila makakalabas ngunit ang sabi ni Samara once na makalabas sila ay hihingi agad sila ng tulong para sa amin.

Napaka bilis nang pangyayari noong mga nakaraang araw ay masaya pa kami pero bakit ngayon?

" Ano, Elle?! " Malakas na sigaw ni Gen sa akin. Punong puno ng galit ang mga mata ni Gen ngayon.

" Bakit hindi ikaw ang magsabi? Sabihin mo sa kanila ang mga nalalaman mo! "

" G-Gen.... please... parang awa mo na.. " Mahinang tugon ko.

" Kalimuntan na lang natin— "

" KALIMUTAN! ALIN? ANO ANG KALILIMUTAN NATIN?! HA?! "

" Gen.. This is not you.. Huminahon ka muna. Pag uusapan natin ito, ha " Pilit na pangungumbinsi ko sa kaniya.

" Elle? Ano bang nangyayari? Bakit nagkaka ganiyan si Gen? " Tanong ni Nicole.

" Nicole! Pwede ba? Mamaya mo na ako tanungin! Mag isip ka na lang ng paraan kung paano natin mapapakalma si Gen! " Inis na sagot ko sa kaniya habang matalim ang mga matang nakatingin dito. Can't she see? Ang laki laki ng problema namin pero nagtatanga tangahan pa siya!

" Ano bang problema mo? Nagtatanong lang naman ako?! "

" At talagang ngayon ka pa magtatanong ha?! Hindi mo ba nakikita si Gen? " Sabay turo ko sa direksiyon nito.

" Ayan oh! May hawak na kutsilyo. Hindi ba obvious na gusto niya tayong patayin?! "

" Patayin? Bakit naman niya gagawin yon? Kaibigan niya tayo?! Bobo ka ba? " Inis na sagot nito.

Hindi makapaniwalang tinignan ko siya.

" Are you serious? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo? " Nanghahamong sambit ko sa kaniya.

" Anong ibig mong sabihin? " Madiing turan nito.

I can't help but to smirk. Napaka inosente.

" Talaga ba? Talaga bang hindi mo alam? Think Nicole. Think. "

" Isipin mo kung anong ginagawa mo! ISIPIN MO KUNG ANONG GINAWA MO!
"

" WALA AKONG GINAGAWA! "

" TUMIGIL NA KAYO! " Pag awat sa amin ni Andrea.

" Ngayon pa ba talaga kayo magbabangayan? "

" Bakit ba nangingialam ka, ha?! " Sabay tulak nito sa balikat ni Andrea. Nag init naman ang ulo ko at tinulak din si Nicole.

" Ano bang problema mo?! " Inis na inis na tanong ko.

Hindi naman nagpakabog si Nicole at akmang itutulak ako ng humarang sa gitna namin si Andrea at silang dalawa ang nagsabunutan.

Agad ko naman silang pinag hiwalay pero wala ni isa sa kanila ang gustong magpatalo.

Natigil lamang kami ng magsalita si Gen.

" Oh!  sandali, sandali. Bakit parang kayo na ang magpapatayan? Uunahan niyo pa ako, e " Pag aawat sa amin ni Gen. Ngumiti ito ng napaka tamis. Yung ngiting para bang isang anghel.

Binitawan nito si Francine sa pagkakasabunot, mabilis namang kumilos si Francine at tumakbo ito sa direksiyon namin. Dinaluhan naman siya ni Ann.

Pati si Jay na nawalan na ng malay ay agad na tinulungan ni Andrea.

" Ayokong nag aaway kayo.. " Mahinhin na sabi ni Gen habang pinaglalaruan ang kutsilyo na kaniyang hawak.

Ang mga ngiti sa kaniyang mga labi ay unti unting napalitan ng isang malakas at nakaka kilabot na mga halakhak.

" Alam niyo napaka saya ko. Dahil sa wakas magkakasama sama na tayo... "


















" Sa impyerno.. "




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 23, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Babaeng NakaitimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon