Chapter 6

56 20 0
                                    

" Yan ang dapat nating alamin " sabi ni Gen.

" Wow! Hindi ko alam na ganyan niyo kabilis malalaman yan " Lahat kami ay napatingin sa babaeng nagsalita. Kakaiba ang awra na bumabalot sakanya. Nakakatakot. Unang tingin mo pa lang ay kikilabutan ka.

" What are you saying? " Tanong ni Francine.

" All the informations na meron kayo ay hindi totoo. Isa lang yan sa mga haka haka dito sa Alexus. Tinatakot niyo lang ang sarili niyo. " Nakangiti niyang sabi.

" Ha? Hindi totoo, Per----- "
" Oo. Hindi totoo lahat ng yan, dating sementeryo ang Alexus. Simula ng ipatayo ito ay marami ng nagsasabing may nagpaparamdam daw dito. Pero  ang totoo wala. " Paliwanag nito.

" Ano ba talagang nangyayari ? " Naguguluhang tanong ko.

" Masyado niyo namang tinatakot ang sarili niyo. By the way, I'm Samara. Student Council President. " Speechless. That's the right term. What the heck?!

" Kung may gusto kayong malaman at may kailangan kayo ako na lang ang tanungin niyo, okay ? " Sabi niya. " And ohh , bago ko pa makalimutan. I'm also your classmate. Gusto ko yung ginawa mong pagpapahiya kay Sophie, that bitch deserves it. " Sabi niya kay Andrea habang nakataas ang kilay.

" What the hell is that? That's Impossible. " Nakakunot na sabi ko.

" Elle baka naman tama siya, malay mo nga hindi naman pala totoo yung mga nalaman mo. " Sabi ni Jay.

" Pero paano mo mapapaliwanag yung year book? May mga bakas ng dugo at----- " Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinutol iyon ni Nicole.

" Naka drugs ka nga " Sabi nito.

" Shut up! " Imposible talaga e.

" Alam niyo mas mabuti pa pagtapos nating kumain pumili na tayo ng mga clubs na sasalihan natin. " Sabi ni Ann.

" That's a great suggestion " Sagot naman ni Francine.

Pagkatapos naming kumain ay ganun nga ang ginawa namin. Nilibot namin ang Senior High Department at sumali sa mga clubs. Umabot ng halos 2 oras ang paglilibot namin. 

Naglalakad kami papuntang room namin ng harangin kami ng kumpulan ng mga babae. And guess what kung sino? It's Sophie, yung babaeng pinahiya ni Andrea sa room.

" Bitches. Ang kapal ng mukha niyo para mamahiya lalong lalo ka na " Sabay turo niya kay Andrea habang nakataas ang kilay.

" Hindi maka move on? " Sagot naman ni Andrea. " Bakit sino ba sa atin ang nauna? Tinatanong ka ng maayos tapos ganun ang isasagot mo? Hindi ka maganda kaya wag kang magmaganda!" Nakataas na kilay na sabi ni Andrea, Well knowing andrea talagang hindi siya magpapatalo sa mga babaeng katulad nito. " Tabi nga. Nakaharang ka sa dinadaanan namin e, masyadong papansin. Tabi! " Nagulat si Sophie sa sinabi ni Andrea kaya nakatulala lang siya. Nauna namang maglakad si Andrea sa amin pero ng makalampas si Andrea kay Sophie ay hinablot nito ang buhok ni andrea.

" Ahhh " Sigaw ni Andrea. HIndi naman nagpatalo si Andrea at hinablot din ang buhok ni Sophie. Akmang tutulungan namin si Sophie ng humarang sa amin ang mga alipores ni Sophie. Agad kong sinampal ang mukha ng babaeng humarang sa akin dahil sa lakas ng pagkaka sampal ko ay napa upo ito. 

Ginamit ko naman ang opportunity na yun para matulungan si Gen na pinagtutulungan ng tatlong babae. Hinablot ko ang buhok ng dalawang babae at nginudngod ko sa lapag.

" Bitch, bitawan mo kami " Sigaw ng isang babaeng nginungudngod ko.

" Yan ang bagay sainyo! " Sigaw ko.

Napansin ko ang pag dami ng estudyate na nanonood sa amin pero mga walang balak tumulong. Puro sigawan lang ang maririnig sa amin.

" Ouch! "

" Aray ano ba, Bitawan mo ako! "  Rinig kong sigaw ni Francine.

Nasa ganuong akto kami ng marinig ang nakakatakot na sigaw.

"ALL OF YOU GO TO MY OFFICE!!!! " Agad kong binitawan ang mga buhok ng babaeng nginungudngod ko.

" NOW!!!!! " Napa ayos kami ng tayo dahil sa sigaw nito.  

Nauna namang pumunta sila Sophie at mga alipores niya sa office ni  Samara at kami ay nagpa iwan.

"Fuck! Ang sakit ng anit ko " Pagrereklamo ni Ann.

" Aabangan ko yang si Sophie mamaya sa kanto. Lagot siya sa akin. " Nanggagalaiting sabi ni Andrea.

Sumunod kami sa office ni Samara habang inaayos ang sarili namin.

Ang Babaeng NakaitimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon