Chapter 30

23 6 2
                                    

" What the f! What the f! What the f! " Sunud-sunod na mura ko habang nagpapabalik-balik pa rin sa tapat ng pader kung saan nilamon si Oli.

Nakapa ko na lahat nang parte ng pader pero hindi ko pa din mahanap kung ano ang pinindot niya at bigla itong nilamon ng pader.

" Teka, teka, naguguluhan ako, " Sabi ni Andrea.

" Meron bang secret room dito sa Alexus? Ano yan? Lagusan? " Muling sabi ni Andrea.

" Bwiset na yan! " Naiinis na sabi ko.

" Yun na e, mahuhuli na natin siya e, " Rinig kong sabi ni Nicole.

" Paano na yan? " Tanong ni Ann.

" So, It's true? " Tanong ni Francine. " Yung tungkol sa babaeng nakaitim na tinutukoy mo Elle? "

" Ano ka ba! " Singit ni Jay. " Si Samara na nga nagsabi, di ba? Hindi totoo. "

" I know, but, Ano yung tinutukoy ni Oli, hmm? " Napasabunot ako sa buhok ko sa sobrang gulo nang mga nangyayari ngayon.

Bumaling ang atensiyon sa kin ni Francine. " Ano nang gagawin natin ngayin, Elle? " Tanong nito.

Inayos ko ang buhok ko na humarang sa mukha ko, binutones ko din ang coat ko na tinanggal ko kanina nang hinabol namin si Oli, pinagpag ko ang mga palad ko at humarap sa kanila.

" Ano pa ba? Edi, bumalik sa room, wala naman na tayong mapapala sa lintek na pader na ito! " Inis na sabi ko at nagawa pang sipain ang pader sa sobrang inis sa nangyari.

Tumalikod na ako sa kanila at nagsimula ng umalis, hindi ko na pinag tuunan ng pansin kung sumunod ba sila sa akin.

Napaka misteryoso ng Alexus. Hindi ko na alam kung ano pa bang sikreto ang  malalaman ko sa bawat araw na dadaan.

Isa lang ang nasa isip ko, kailangan ko makausap si Samara, kailangan kong malaman ang tungkol sa babaeng nakaitim. Ano bang meron doon at tinatago nila? Dahil ba ito sa nangyari sa mga nakaraang taon? It doesn't make sense! Napaka tagal na noon.

Nakarating kami ng room, nandoon na din si Gen, inusisa niya kami sa kung anong nangyari pero walang nakasagot ng mga tanong niya dahil wala kaming maisasagot sa kung anong nangyayari.

Hinanap ng mga mata ko si Samara, nakita ko naman siya na nakatingin sa amin, nang magtapo ang mga mata namin ay nginitian lamang ako nito.

Dumaan ang araw na wala ako sa sarili ko, palagi naman. Hindi ko alam kung nag-aaral pa nga ako, e. Pakiramdam ko nagtatrabaho ako sa NBI dahil sa ginagawa ko, tho pangarap ko naman talaga na maging parte ng mga katulad nila.

Dumating ang dismissal, hindi na ako nakapag paalam sa mga kaibigan ko at nauna na. Dumiretso ako sa Office ni Samara, pinatawag siya ng Dean at may ipapagawa, hindi na ito nakabalik kaya hindi ko ito naka-usap.

Kumatok ako ng tatlong beses bago ako pumasok, naabutan ko si Bea — Student Council's Secretary.

Nginitian ako nito ng makita ako, Bea is   the only ordinary student na nakapasok ng Student Council dahil lahat ay parte na ng Star Section which is mga kaklase ko, kaya din siguro takot ang karamihan sa amin dahil sa mga posisyon ng mga kaklase ko.

" Si Samara nandito ba? " Nakangiting tanong ko.

" Kaka-alis niya lang pero babalik din yun, Gusto mo ba hintayin siya dito? " Bea is kind and pretty, kahit na parte siya ng Organization at mas mataas siya sa akin kung tutuusin, mararamdaman at makikita mo pa rin ang pag galang niya sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba sa parte ako ng Star Section, malamang ay ganun nga.

" Oo sana, "  Nakangiti kong sabi. Pinaupo niya ako pagkatapos ay bumalik na sa kaniyang ginagawa.

Hindi rin nagtagal ay dumating si Samara na mukhang bad trip, naka kunot ang noo nito at magkasalubong ang mga kilay.

Napatayo naman ako at tatawagin na sana siya pero mukhang hindi ako napansin nito.

" Bea, Hindi ba at sin— " Naputol ang sasabihin nito ng makita ako. Huminga ito ng malalim bago may binulong kay Bea, nagmadali namang ayusin ni Bea ang mga gamit niya at umalis na.

" Anong ginagawa mo dito? " Tanong nito. " Bumalik ako ng room, nandoon pa ang mga kaibigan mo at mukhang hinahanap ka, " Dagdag pa nito.

" I don't know if Prof. Arthur told you about this, " Panimula ko. Umupo ako ulit ng umup siya sa harap ko. Tinanggal niya pa ang kaniyang coat at nag tali ng buhok.

" We saw Oli, " Natigilan ito sa pag-aayos ng buhok at tumingin sa akin.

" What? Where? Walang sinasabi sa akin si Prof. , Well kakausap lang namin kanina together with Dean, the investigation is still on going sabi niya. " Paliwanag ni Samara.

" Prof. didn't tell you? " Nagtatakang tanong ko. But, I am sure na sinabihan ko si Gen na puntahan si Pr—

No! Don't tell me hindi sinabi ni Gen? Pero sinabihan ko siya.

" I'm sorry, Nagkamali ako, ahmm, Actually it was Francine, siya yung nakakita kay Oli sa Hallway na dugtong sa College Building, " Paliwanag ko.

" Wait, wait, " Pag pigil nito sa akin.

" Hallway? " Tanong nito, tumango naman ako bilang sagot.

" That Hallway is off-limits, Elle, you know that, bakit kayo nandoon? " Nagtatakang tanong ko. Napa-isip naman ako sa sinabi niya, it's true that hallway is really off-limits. Ano nga bang ginagawa ni Francine doon?

" No! We're on the library that time, and then Francine called Nicole to tell us that she saw Oli, " Paliwanag ko. " And then, dumaan kami ni Francine sa Hallway na yon while Nicole, Andrea, Jay and Ann sa Main gate sila pumunta, just in case na masilisihan namin si Oli, "

" Pero sabi ni Francine nakita niya si Oli, sa Science Laboratory ng College Building. "

" Oh My God, Elle! That room was also off-limits! Ano bang ginagawa niyo? " Nagulat naman ako sa sinabi niya. I didn't know.

" Hindi naman kami pumasok, titignan lang namin kung nandoon pa ba si Oli, and then bigla na lang itong lumabas, and then we chase him, " Nagulat ako ng bigla itong tumayo.

" Really? Nasaan na siya? Thank god at nahuli na siya at matatapos na din ang lahat ng ito, you know, ako ang kinukulit ni Dean about this case para namang ako yung pulis, nakaka stress, " Ani nito. Naglakad pa ito papuntang pantry area. Yes! They have their own pantry area.

Kumuha ito ng bottled water at inalok pa ako, tumanggi naman ako sa alok niya. Bumalik ito sa pagkaka upo sa harap ko at mukhang masayang masaya, nawala na din yung kaninang stress na stress na pagmumukha nito.

" So, where is he? " Napangiwi naman ako sa tanong niya.

" Ha.ha.ha. Ahmm. Ayun nga ang pinunta ko, " Awkward na sabi ko.

" Na corner naman namin siya... pero kas.. " Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya na nilamon ng Pader si Oli.

" Paano ba? Ahmm... kasi.. ano.. " Shit.

" What? " Naiinip na tanong nito. Napapailing naman akk sa kaniya bilang sagot.

Napakunot siya ng noo sa akin. " Anong? " Sabi nito at ginaya ang pag iling ko " Ano yun? "

Umiling muli ako bago ngumiwi.
" Nilamon siya ng pader, e, "

" What the... "

Ang Babaeng NakaitimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon