Nakarating ako sa bahay na iniisip pa rin kung ano ang nakita ko. Sino yung humarang sa akin? Sino yung kumuha ng walis? Imposible namang sila Jay at Nicole yun dahil malayo sila sa akin.
Ipinag walang bahala ko na iyon at pumasok na sa aking kwarto.
Pagkapasok ko sa kwarto ay humilata agad ako. Hindi na ako kumain at nakapag linis ng katawan dahil sa sobrang pagod. Maya maya lang ay nakatulog na din ako.
Nagising ako ng madaling araw ng makaramdam ako ng uhaw.
Bumaba ako at pumunta ng kusina.Naabutan ko naman si Papa na kararating lang galing work, I guess.
" Oh, Pa. Bakit ngayon ka lang? " tanong ko sabay halik sa pisngi niya.
" Maraming trabaho ngayon anak, tinapos ko lang ang trabaho na para bukas para naman makabawi ako sa mama mo. " Sabi ni Papa.
" I love you Pa! Thank you for taking care of me and mom " Madamdaming sabi ko. Naramdaman ko namang hinalikan niya ako sa ulo.
" I love you too, anak. I love you "
Nauna ng umakyat si papa at ako naman ay nagpa iwan dahil nawala na ang antok ko. Umupo ako sa sofa at binuksan ang T.V. isang Horror movie ang bumulaga sa akin, kinilabutan ako dahil nandun na sa eksenang pinakita ang kabuuan ng mukha ng multo. Nakakatakot ang itsura nito.
Ilang minuto ang lumipas ay may naramdaman akong umupo sa tabi ko, hindi na ako lumingon dahil ang akala ko ay si Papa lang.
Kinalabit ako ni Papa, tinabig ko naman ang kamay niya dahil natatakot ako sa pinapanood ko.
Hindi niya ako tinigilan at patuloy na kinakalabit hanggang sa naramdaman kong sa bawat pagkalabit niya ay bumabaon ang kuko niya.
" Pa. Ano ba yan masakit! " reklamo ko. Hindi niya ako pinakinggan at patuloy pa rin sa pagkalabit, pero this time ay humahapdi na dahil sa pagbaon ng mga kuko niya.
Lumingon ako sakanya at napasigaw ako sa nakita ko.
" AHHHHHH " Isang babaeng nakaitim ang masamang nakatingin sa akin at mahigpit na hinawakan ang braso ko. Nararamdaman ko ang pagbaon ng mahahaba niyang kuko sa aking braso.
Sigaw lang ako ng sigaw. Nanginginig ang katawan ko sa takot.
" Anak! anak! "
Napa tigil ako sa pagsigaw at tumingin sa tanong tumatawag ng pangalan ko. Si Papa.
" Pa! May b-babae, may b-babae dito " Nanginginig na sabi ko habang tumitingin sa paligid. Nasaan siya?
"Anak, walang babae dito. Ano bang sinasabi mo? Sinong babae? " Naguguluhang tanong ni Papa.
" P-Pa m-meron. Hinawakan niya ako ng mahigpit sa braso." Sabay pakita ko ng braso kong may sugat sanhi ng mahahabang kukong bumaon.
Pero laking gulat ko ng makitang wala ang mga sugat pero mahapdi ito.
" N-Nasaan yun-- "
" Anak, walang babae, pagod lang yan. Sige na, magpahinga ka na. " Nagaalalang sabi ni mama.
Gusto ko mang magpaliwanag na meron talagang babae dito ay wala akong nagawa at umakyat na sa taas. Pagka pasok ko ay napa sandal ako sa pinto. Hindi pagod o puyat to! Meron talaga akong nakita. I know what I saw!
Napa upo ako sa kama dahil sa panghihina. Tinignan ko ang braso kong hinawakan ng babae. Masakit iyon dahil sa higpit ng pagkakahawak niya, pero wala doon ang mga bakas ng kuko niya.
Kinalma ko ang sarili ko at humiga na. Sinubukan kong matulog ulit pero hindi na ako makatulog, inabot ko ang aking cellphone at earphones.
Ng makapili na ako ng kanta ay pumikit ako. Kumalma naman ako at dinadalaw na ng antok ng tumigil ang kanta.
" Elle " Napadilat ako dahil sa pamilyar na boses na narinig kong tumawag sa akin.
" Tulungan mo ako! Parang awa mo na. "
Nanatili akong nakahiga at pinapakinggan siya. Nagsisimula na ding tumulo ang luha ko.
" Layuan mo ako. Tantanan mo na ako! Parang awa mo na "
Hindi ko mapigilan ang mga luha ko, patuloy lang sa pag agos. Nagsisimula na rin akong sumigaw dahil ayaw tumigil ng boses sa kakasalita.
" Tulungan mo ako! "
" Parang awa mo na! "
"WALA KANG PUSO! "
" TULUNGAN MO AKOO!!! "
" TAMA NA! TAMA NA! TIGILAN MO NA AKO! "
" Anak! Anak! Gising. Gising. Huminahon ka. " Nagising ako sa malakas na sigaw.
" Pa! " Yun lang ang tangi kong nasabi at mabilis na niyakap si papa at umiyak ng umiyak.
" Panaginip lang yan. Panaginip lang. Masamang Panaginip. " Pagpapatahan niya sa akin.
Hindi na ako nakapasok ng araw na yun, hindi na rin ako hinayaan nila papa na pumasok. Mas mabuti pa daw na magpahinga muna ako.
Tama naman sila. Pahinga, yan ang kailangan ko. Simula kaninang umaga ay tinadtad ako ng tawag nila Nicole. Ano daw nangyari sa akin at wala akong paramdam.
Hindi ko naman sila nireplayan pati na rin ang mga tawag nila ay di ko sinasagot. Ayokong malaman nila kung anong nangyari sa akin. Baka isipin nilang nababaliw na ako.
Dumating ang hapon at wala akong ginawa kung di ang magkulong. Dinadalhan lang nila ako ng pagkain pag oras na ng kain. Dumalaw rin sila Nicole pero hindi ko hinayaang makita nila ako.
Nakahiga lang ako sa kama habang nakatulala ng may tumawag sa akin.
Ring ring ring ring
Tinignan ko kung sino ang tumawag. Agad kong sinagot ng makita ko kung sino ang caller.
" Hello "
" Bakit hindi ka sumasagot sa tawag ni Nicole " Natataranta niyang tanong.
" Nagpakita ba siya sayo? " Natatakot kong tanong.
" S-Sino? " Kinakabahang tanong niya.
" Alam kong alam mo kung sino ang tinutukoy ko! "
" P-Paano mo nalaman? " Nararamdaman ko ang takot niya sa kabilang linya. " Elle, natatakot ako. Bakit siya nagpakita? Ano bang kailangan niya?! "
" Hindi ko alam " Yun lang ang tangi kong nasabi at pinatay na ang tawag.
" Ano bang kailangan mo? " Umiiyak na tanong ko sa hangin habang inaalala ang mga nangyari.
Ilang minuto pa ang tinagal ko sa pag iyak. Pagkatapos ay tumayo ako at lumapit sa body size mirror na nasa kwarto ko.
Tinitigan ko ang sarili ko at tinuyo ang mga bakas ng luha sa pisngi ko.
Inaalala ko ang mga nangyari noon. Hindi pwedeng pagkatapos ng Ilang taon ay magpapakita na lang siya basta basta!
" Ang nakaraan ay mananatili sa nakaraan. " Madiin kong sabi habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Nakaitim
Misterio / SuspensoSabi nila tuwing sasapit ang ika pitong taon may babaeng naka itim ang nagpapakita sa estudyante ng Star Section. Pitong buhay ang kukunin niya. Maraming nagsasabi na tuwing ika pito ng taon. Sa parehong buwan, sa parehong araw, sa parehong oras. La...