" Elle, " Rinig kong tawag ni Francine. Nandito kami ngayon sa office ni Prof. Arthur, hindi niya muna kami hinayaang umuwi.
Mabilis kumalat ang balita sa Alexus, after namin madiscover ang bangkay ay ilang minuto lang ang lumipas dumating na ang mga pulis para mag-imbestiga.
Nagkagulo sa buong Alexus matapos pumutok ang balita na merong bangkay na natagpuan. Marami ang gustong umalis at umuwi pero hindi hinayaan ng pulis na maka-alis ang mga estudyante hanggat hindi pa natatapos ang imbestigasyon.
Inutusan naman kami ni Prof. Arthur na dito sa office niya manatili, kakausapin niya daw kami.
" Bakit? " Sagot ko kay Francine. Ilang beses nagbukas sara ang bibig niya pero wala namang lumalabas na boses.
Napakunot ako sa kanya at tumayo, sumilip ako sa bintana upang tignan ang nangyayari sa labas. Walang mga estudyante tanging mga Pulis lamang ang nasa labas.
Tumalikod na ako sa bintana at isa isang tinignan ang mga kaibigan ko. Si Nicole ay kinakalikot ang kaniyang cellphone habang si Ann at Jay naman ay nakatulala lang katabi ni Andrea na nakatulala lang din, at si Francine na nakaupo sa chair ni Prof. Arthur habang nakahawak ang magkabilang kamay sa kaniyang buhok.
Hindi ko alam kung bakit nangyayari sa amin ito. Naguguluhan na din ako, malapit na ako mabaliw.
" Elle, " Lumingon ako kay Francine ng tawagin niya akong muli, nakayuko lang siya sa mesa. Hinihintay kong magsalita siyang muli pero mukhang wala siyang balak na magsalita.
Naiinis na ako pero hindi ko na siya pinansin dahil nawawala na ako sa sarili ko kakaisip sa nangyayari, marami pa akong problema tapos sumasabay pa ito.
" Elle " Muling pagtawag sa akin ni Francine, wala akong ganang naglakad patungo sa sofa, sumandal ako at tumingala.
Nang muli akong tawagin ni Francine ay tuluyan na akong nainis at nasigawan siya.
" ANO BA?! " Inis na inis na sabi. Gulat naman na napatingin siya sa direksiyon ko. Lahat sila ay mukhang nagulat at nakatingin lang sa akin na para bang nababaliw na ako.
" Bakit ka ba sumisigaw? " Tanong ni Andrea.
" Hindi ako sumisigaw, okay? " Inirapan niya lang ako at bumalik sa pagkatulala niya. Bumaling naman ang aking atensyon kay Francine.
Tinaasan ko lang siya ng kilay. Umayos siya ng upo at ulang sandali lang ay tumayo at naglakad papunta sa akin.
" Prof. Ramirez, " Panimula niya.
" What? " Naguguluhang tanong ko.
" Prof. Ramirez " Ulit niya. Bago pa ako makasagot ay naunahan na ako ni Nicole magtanong.
" What about Prof. Ramirez? Alam mo kanina ka pa e, masyado kang pasuspense! Pwede ba diretsuhin mo na lang si Elle? Hindi yung salita ka ng salita pero wala ka namang sinasabi! " Inis na sabi ni Nicole.
" Huwag ka ngang atat! Hindi naman ikaw kinakausap ko e! " Sagot ni Francine. Nagsukatan sila ng tingin sa isa't - isa at mukhang walang balak magpatalo.
" Pwede ba? Ha? Pwede? Tumigil kayo! " Pagsaway ko sa kanilang dalawa, parehas naman silang nag-iwas ng tingin.
" Ano ba yon? " Tanong ko kay Francine.
" You said earlier diba? I mean yung witness, uncle niya si Prof. Ramirez " Sagot niya. Napatango naman ako bilang sagot.
" Prof. Ramirez doesn't have pamangkin. I mean he is an orphan at never niya ng nakilala ang kaniyang family or kahit sinong relative, " I knew it! Something is suspicious with Oli!
Pero ang pinagatataka ko ay bakit...
" You mean? " Nagatatakang tanong ni Jay sa aking tabi.
" Isn't he suspicious? " Sagot nito.
" Are you saying that he is the killer? " Sabi ni Nicole.
"Yes. Maybe. No, I mean I don't know. " Naguguluhang sambit nito.
" Something is not right.. " Sabi ko at tumingin ng diretso sa mata ni Francine. Lahat naman sila aynapatingin sa akin at kay Francine.
" Anong something is not right? " Naguguluhang tanong ni Andrea.
Napaiwas ng tingin si Francine at pagkatapos ay bigla na lamang tumayo, hindi ko binitawan ang tingin ko sa kanya at pinag-aralan siyang mabuti.
Ilang saglit pa ay may nagbukas ng pinto at iniluwa nito si Prof. Arthur, napatayo naman kaming lahat sa kaniya.
" Ahmm. Gustong hingin ng mga Pulis ang statement niyo, if that's okay, you know ummm.. your statement will be a really big help sa kaso. " Nagkatinginan naman kaming lahat at nagsesenyasan kung anong gagawin but in the end pumayag na kami.
Naunang lumabas si Prof. Arthur at sumunod naman kami, bago pa tuluyang lumabas si Francine ay hinatak ko siya at pinaunang lumabas ang lahat.
" Mauna na kayo, may itatanong lang ako kay Francine. Susunod na lang kami. " Hindi naman sila nagtanong pa at lumabas na. Naiwan kaming dalawa ni Francine sa opisina ni Prof. Nagtataka naman siyang tumingin sa akin.
" Ano yun? " Aniya.
" Binalaan na kita. Stop on what you are doing! Mapapahamak ka lang. Makinig oa sa akin! " Pagpapangaral ko kay Francine. Bumuntong hininga naman siya at tinanggal ang kamay ko na nakahawak sa braso niya.
" Ikaw ang tumigil! Buhay ko to! Wala kang pakialam sa king anong gagawin ko sa buhay ko, " Sambit niya.
" Kaibigan kita kaya may pakialaam ako sayo! Ano ba? Nag-usap na tayo diba? " I swear! Mapapahamak lang siya kapag itinuloy niya pa ito! I need to do something.
" Hindi ako mapapahamak dahil wala akong ginagawa! Teka nga, ano bang ginagawa ko? At para mapahamak ako, ha? " Hindi ako nakasagot sakanya at napa buntong hininga na lang.
" Oh, Ano? Wala kang masabi? Kasi wala talaga! " No! Malalaman ko rin kung anong meron.
Nauna na siyang lumabas sa akin at naiwan akong mag-isa sa loob, bago pa ako tuluyang makalabas ay may naramdaman akong presensya sa aking likod na hindi ko maipaliwanag.
Nababaliw na nga yata ako......
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Nakaitim
Mystery / ThrillerSabi nila tuwing sasapit ang ika pitong taon may babaeng naka itim ang nagpapakita sa estudyante ng Star Section. Pitong buhay ang kukunin niya. Maraming nagsasabi na tuwing ika pito ng taon. Sa parehong buwan, sa parehong araw, sa parehong oras. La...