Lahat ay nangangamba sa mga susunod na mangyayari. Katatapos lang namin mag lunch at wala kaming sumunod na klase dahil si Prof Arthur ang susunod namin pero sumama siya sa Hospital na pinagdalhan sa babae.
Tahimik sa loob ng room, walang gustong mag salita. Hindi pa rin humuhupa ang takot at kaba sa lahat. Sa kung ano nang mangyayari pag tapos nito. Mauulit na naman ba ang ganitong eksena? Tatlong estudyante na ang nadala sa Hospital at ang dalawang nauna ay kapwa umalis na ng Alexus.
Hindi ko kayang manahimik lang at maghihintay ng susunod na mangyayari kaya tumayo ako at walang sabi sabi na umalis ng room. Narinig ko pa ang pagtawag ng mga kaibigan ko pero hindi ko sila pinansin at nagdire diretso lang sa paglabas.
Pumunta ako sa Student Council Office para tignan kung nandoon ba si Samara. Pero tanging ang Secretary ng Student Council lang ang nandoon, nang tinanong ko kung nasaan si Samara malamang daw ay kausap ito ng Dean.
Nagpasalamat muna ako bago umalis. Naglakad lakad ako hanggang sa madaanan ko ang Library. Naalala ko ang sinabi ni Ysa, sa library natagpuang nakabitin si Carmela, walang buhay ngunit hindi nagpakamatay kung hindi pinatay. Sino naman ang papatay sa kanya? Tska kung totoo man na siya ang may kagagawan ng lahat ng ito, Napaka imposible! Napaka tagal na niyang patay. Hanggang ngayon ba ay hindi niya matanggap? That's nonsense.
Pumasok ako sa loob ng library at walang tao maliban sa librarian. Pero hindi ito ang librarian na una kong napagtanungan noong unang araw namin dito.
" Ma'am, kailan po ang duty ni Ma'am Antonia? Meron lang ho kasi akong gustong itanong sa kanya. "
" Nandito siya kahapon, pero nagpaalam siya na magle leave muna siya ng isang buwan dahil ikakasal na ang apo niya. " Ang sabi nito.
" Po? Ganun po ba. Sige po, Salamat " Magalang na sabi ko.
" Bakit, ano bang itatanong mo? Tungkol ba ito sa mga nangyayari dito sa Alexus? " Napatigil namn ako sa pag hakbang ng marinig ko siyang mag salita.
" Totoo. Dating sementeryo ang lugar na ito. Nabili ito ng mag asawang Alex at Andrius Salvador. Naging abandonado na ang sementeryo kaya naging pangit at madumi. Dahil sa laki ng lupain ay naisipan nilang mag tayo ng Eskwelahan at pinangalanan nila itong Alexus High School. Sa hindi maipaliwanag na dahilan maraming kwento kwento ang bumalot sa Alexus. Sinasabing tuwing gabi ay may naririnig silang kakaibang tunog, pero lahat ng iyong ay mga haka haka lamang. Pitong taon ng namamayagpag ang Alexus at napaka ganda na nito, Naisipan ng mag asawa na lagyan ito ng college na ilang taon lang ang lumipas ay naging kilala na ito. " Tahimik lang ako sa pakikinig sa librarian.
" Hindi lang sa Pilipinas naging kilala ang Alexus naging kilala din ito sa labas ng bansa. Kung gaano kabilis na naging kilala ang Alexus ay ganun din kabilis na bumagsak ito ng taong namatay si Carmela. Naging napaka laking issue nito. At hanggang ngayon ay hindi pa rin nasasarado ang kaso niya, napaka hirap ng humanap ng ebidensiya lalo na at napaka tagal na nitong nangyari. Bumagsak ang Alexus dahil sa kasong iyon, pero agad din naman silang nakabangon. "
" Pero makalipas ang pitong taon nagsimula na namang bumagsak ang Alexus dahil sa sunod sunod na pagkakamatay ng pitong estudyante sa Star Section. Every after 7 years sa hindi maipaliwanag na dahilan, sa parehong buwan, sa parehong araw, sa parehong oras nagsisimulang mamatay ang pitong estudyante "
" You mean, yung pitong estudyante po lahat po sila sabay sabay na namamatay? " Nagtatakang tanong ko.
"Hindi iha. Ang ibig kong sabihin every after 7 years tuwing sasapit ang ika pitong buwan, ika pitong araw at ika pito ng gabi ay doon na nagsisimula ang pag atake ng babaeng naka itim. Kapag sumapit ang araw na iyon ay ihanda niyo ang sarili niyo dahil madugong labanan ang mangyayari. " Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Madugong labanan?
" Pero napaka tagal na po niyang wala, ano pa po ba ang gusto niya ? Tska bakit naman ho naging malaking issue? Mayamang tao ho ba si Carmela at nagawa niyang mapabagsak ang Alexus dahil sa kaniyang pagkamatay? "
" Apo si Carmela ng dating gobernardo ng lugar na ito at dahil doon ay nagalit ang pamilya ni Carmela at nagsampa ng kaso laban sa Alexus. " Naliwanagan siya sa sinabi ng librarian. Kaya naman pala, maipluwensyang tao ang pamilya ni Carmela.
" Tama ka. Nang tanggalin ang High school sa Alexus at magkaroon ng College ay ginawa na nila itong Alexus University, naging tahimik ang Alexus at patuloy na namamayagpag until 2012. Nagkaroon ng K to 12 at nagsimula na naman ang mga kababalaghan, Dahil sa takot ng mga Salvador na bumagsak na naman sila ay tinago nila ang kaso 7 years ago. "
" Matagal ng namayapa ang kaluluwa ni Carmela. Hindi multo ni Carmela ang pumapatay 7 years ago kung hindi isang tao na walang puso. " Naguluhan ako sa sinabi niya. Ano daw?
" Hindi ko ho maintindihan " Ang sabi ko.
" Isang estudyante ang naka witness sa patayang nagaganap 7 years ago, at sinabi nito na kapwa estudyanteng babae lang din ang walang pusong pumapatay. " Estudyante? Ibig bang sabihin malaki ang posibilidad na isang walang pusong estudyante lang din ang gumagawa ng lahat ng ito?
" Nakulong po ba yung pumapatay? " Curious na tanong ko.
" Hindi. Dahil bago pa masabi ng witness kung sino ang may kagagawan ay namatay din ito sa harap ng madaming tao " Nanlaki ang mata ko. Namatay?
" Actually she was shot on her head " Mas lalong lumaki ang mga mata ko sa gulat. Pinatay? Binaril? Sinong walang puso ang gagawa ng bagay na iyon?
" W-what?! " Hindi makapaniwalang sabi ko. The F!
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Nakaitim
Misteri / ThrillerSabi nila tuwing sasapit ang ika pitong taon may babaeng naka itim ang nagpapakita sa estudyante ng Star Section. Pitong buhay ang kukunin niya. Maraming nagsasabi na tuwing ika pito ng taon. Sa parehong buwan, sa parehong araw, sa parehong oras. La...