Chapter 17

25 12 0
                                    

PAK!

Tunog yan ng malakas na pagkaka sampal ko kay Anna. Oo, kay Anna. Simula nang araw na sabihin niyang hindi na kami magka ibigan, yung din ang araw na tinapon ko  na ang lahat ng alaala namin.

Nanginginig ang kamay ko sa lakas ng pagkaka sampal ko sakanya. " Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?! " Sigaw ko. " Look what you did! " Turo ko sa damit kong punong puno ng juice dahil nabangga niya ako at natapunan.

" Hindi ko naman sinasadya! " Balik na sigaw niya sa akin habang naka hawak sa pisngi niyang namumula dahil sa malakas na sampal ko sa kanya.

" Hindi sinasadya? Talaga lang ha " 

" Oo. Totoo naman e! "

Hindi na ako naka sagot sa kanya dahil biglang sumingit ang mga kaklase naming nasa cafeteria din. " Elle, Anna. Tama na yan! " 

Sinamaan ko naman ng tingin ang kaklase kong umawat sa amin pagkatapos ay sinamaan ko din ng tingin si Anna. " Bitiwan mo nga ako " Hinila ko ang braso ko sa pagkaka hawak ng kaklase ko at dinampot ko ang mga gamit kong nalaglag at nag martsa palabas ng cafeteria. Hindi ko naman pinansin ang mga bulung bulungan.

" Oh anong nangyari sa iyo? " Tanong sa akin ni Ann na kararating lang ngayon.

" Bakit ba lagi ka na lang nandito?  " Inis na sigaw ko sa kanya.

" Chill. Bakit ba galit na galit ka?  "

" Yang kapatid mo ang tanungin mo! "

" Anna? Ano naman ang ginawa niya sayo ha? " Nakataas kilay na tanong niya.

" Look what she did?  Tinapunan niya ako ng juice! " Inis kong pinupunasan ang basang parte ng uniform ko.

" Ohh. I have an idea. How about you get even with her " Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

" Get even? Kapatid mo yun. And you're saying that to get even with your sister?  " Hindi maka paniwalang tanong ko.

" Sabihin na lang natin na....


I want to get even with her too. "

" At bakit mo naman yun gagawin? " Mapang hamon na tanong ko.

" Dahil kinuha niya ang lahat sa akin! Kung hindi dahil sa kanya, hindi naman maghihiwalay si mama at papa! "

" What do you mean? " Takang tanong ko.

" Anak siya ni daddy sa labas. " Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Ever since never kong na meet ang daddy niya tanging ang mommy lang ni Anna ang nakikita ko.

" Kaya gusto kong maka bawi at tanging ikaw lang ang makakagawa nun. Dahil sa ating dalawa ikaw ang mas nakaka kilala sa kanya "

" But kapatid mo siya at kaibigan ko pa rin siya "

" Hindi ka naman niya tinuturing na kaibigan hindi ba? "

Kumuyom ang kamao ko dahil sa sinabi niya. Tama si Ann. Pagsisihan niya na ako ang kinalaban niya.

" Okay. Deal. Papahirapan ko siya hanggang siya na mismo ang kusang sumuko. " Mala demoniyong sabi ko.

Tumingin ako kay Ann at parehas kaming napa ngiti na para bang nababasa namin ang isip ng isat isa.

Ang Babaeng NakaitimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon