7 years later
" Where are the others? " Tanong ni Francine habang nag aayos ng gamit niya. Today is our first day of being a Grade 12 student. Medyo komplikado lang dahil sa ibang school kami nag Grade 11 tapos bigla naming napag usapang lumipat ng school dahil bored lang kami. At dahil iisang University lang naman ang aming nilipatan ay nagka sundo kaming magkakaibigan na sabay sabay kaming pumasok ngayon at ang mas nakaka excite pa doon ay magkaka klase ulit kami.
" Si Ann tska si Jay dumaan lang saglit sa 7 eleven, may pinabili ako. Nakakagutom, wala man lang kasing pagkain dito sa bahay mo! " Pagrereklamo ni Nicole. Inirapan lang siya ni Francine bilang sagot.
" And as usual late na naman si Gen. Alam mo naman yun akala mo nasa buwan kung kumilos parang ikaw, Francine " Sabi ko. Ako, Si Nicole, at si Andrea lang kasi ang nandito. Siyempre kasama si Francine bahay niya to, e.
" Alam niyo, puro kayo reklamo, magsi layas nga kayo sa bahay ko! " Turan nito at nagpatuloy sa pag aayos ng gamit niya. Nagkatinginan naman kami ni Nicole at sabay na natawa. Maya maya lang ay narinig na naming dumadating yung tatlo.
" Oh eto na pinabili mo, 150 yan, bayaran mo ha, " Sabi ni Ann. Hindi naman sumagot pa si Nicole at kumuha lang ng pera at inabot kay Ann.
Alexus University
" Wow, Taray! Ang ganda ganda, " Manghang-mangha na sabi ni Ann. Nandito kaming pito sa entrance ng University. Gate pa lang yan ha, bongga na!
" Tara na! " Excited na wika ni Andrea.
Akmang papasok na kami sa gate nang bigla kaming harangin ng Guard. Napaatras naman kami at nagkabungguan pa.
" Hindi niyo ba nababasa to? " Mataray na sabi nito. Napalingon kami sa tinuro nito.
" Nababasa po, " Sabay sabay naming sabi. NO I.D. NO ENTRY.
" Nababasa naman pala, e, Nasaan ang mga I.D. niyo?! " Pasigaw na tanong nito habang naka taas ang kanang kilay at nakaturo pa ang pang hampas sa amin. Napaka sungit, paahit ko kilay niyan kay Andrea e!
Hinawi ni Francine ang panghampas nito na nakatutok sa amin at mataray itong sinagot. " Oh! Sorry, We're just new here. And can you please stop pointing this to us! "
" Oo nga! " Second in motion naman na sabi ni Jay.
Para namang napahiya si Aling Guard kaya pinapasok na kami, nakita ko pa itong umirap sa amin at may binulong na hindi ko naintindihan.
Paikot ikot lang kami dito sa University dahil hindi namin mahanap ang registrar. Si Jay halos buong University ay mayroon siyang pictures, basta maganda ang background papapicture siya kay Gen. Ganyan talaga sila, si Gen ang photographer habang si Jay naman ang model.
Ang ipinagtataka lang namin ay kung bakit hindi namin mahanap ang registrar. Kanina pa kami paikot-ikot, nahihilo na din ako.
" Hoy! Kayong dalawa tigilan niyo na nga yan. Mabuti pa magtanong na lang tayo, hilong hilo na ako, paikot ikot lang tayo, e," Naiinip na sabi ko.
" Wow! Ang galing. Bakit hindi mo pa kaya kanina naisip yan? " Mataray na tanong ni Francine.
" Eh bakit ikaw hindi mo naisip? " Pabalang na sagot ko sabay irap pa. Huh! akala niya ha.
Ganyan talaga kami mag bonding, huwag kayong mag alala. Napailing naman ang mga kasama namin habang natatawa pa. Si Nicole na ang nagtanong sa lalaking dumaan sa pwesto namin.
" Ahm. Hi, Excuse me. We're just new here kasi.... Can I ask where is the registrar here? "
" Bago lang kayo? " Tanong nito.
" Kasasabi lang diba? " Pangbabara ni Andrea sa lalaki.
Hindi ko napigilan ang tawa ko kaya tumalikod ako at kinurot si Ann na nasa tabi ko lamang " Aray! " Daing nito habang natatawa din, and knowing her hindi nito napipigilan ang tawa kahit na nasa harap lang niya ang pinagtatawanan. Kaniya-kaniyang pigil naman ng tawa ang iba ko pang mga kasama habang poker face lang si Andrea sa tabi ni Nicole.
" Well, okay, sorry about that. Ahm.. Nakikita niyo yang gate na yan? " Turo nito sa Gintong Gate sa loob ng University. Tumango naman si Nicole at Andrea dito habang kami ay hindi pa tapos sa pagtawa lalo na si Ann na napapaluhod pa habang hawak ang tiyan.
" Pumasok kayo diyan dahi— "
" Papasok sa labas? " Naguguluhang tanong ni Francine.
" No! This area is for the College students. Sa likod ng gate na yan, doon ang building ng mga Senior Highschool Student " Paglilinaw nito.
" Oh, Okay. Thanks for the information. Bye " Sabi ni Nicole. Tumalikod na kami sakanya at papunta sa gate na sinasabi niya ng bigla niya kaming pigilan.
" Wait " Napalingon kami sa kaniya nang pigilan niya kami. " Be careful. Ikapitong taon na ngayon. "
" What? Ikapitong taon? Bakit, anong meron? " Naguguluhang tanong ko.
Tinitigan niya lang kami at umalis na. Nagtaasan ang mga balahibo ko biglang kinilabutan sa sinabi nito. It's the 7th year. What's with the 7th year?
" Weird " Tanging nasabi ko.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Nakaitim
Mystery / ThrillerSabi nila tuwing sasapit ang ika pitong taon may babaeng naka itim ang nagpapakita sa estudyante ng Star Section. Pitong buhay ang kukunin niya. Maraming nagsasabi na tuwing ika pito ng taon. Sa parehong buwan, sa parehong araw, sa parehong oras. La...