Sinabi ko sa mga pulis ang lahat ng aking nalalaman, pagkatapos hingin ang aming mga statement ay agad silang nagsimulang mag-imbestiga tungkol kay Oli, tinignan nila ang records ng mga College Students kung meron bang estudyante na nag ngangalang Oli, ngunit wala silang nahanap na kahit na ano. Natignan na din nila ang mga CCTV, pero lahat ng record na kasama ko siya ay deleted.
Naging malaking pala isipan iyon sa mga pulis ganun na rin sa mga estudyante, nainterview na ang bawat isang College Student pero walang nakapag sabi kung nasaan at sino ba talaga si Oli.
Dumaan ang maraming araw pero kahit ni isang lead o ebidensya na makakapag turo kung nasaan ba talaga si Oli ay walang nahanap ang mga pulis.
" Hindi kaya, hindi talaga si Oli ang killer? " Tanong ni Andrea. Nandito kami ngayon sa bahay ni Francine. Walang pasok dahil sabado, isang buong linggo naging busy ang school pero sa kabila noon ay hindi kinansela ang pasok, naging mahigpit nga lang at kahit saan ka lumingon mayroong pulis na nagkalat.
Tumulong din kami sa paghahanap kay Oli dahil kaming anim lang ang nakakaalam ng itsura nito. Ever since that day — that day na nahanap namin ang bangkay, yung araw na sinundo ni tito si Gen. We never heard anything about Gen, nakakapagtaka nga lang dahil ni isang text or chat o tawag man lang ay wala kaming natanggap, sinubukan din namin siyang puntahan sa kanila pero walang tao kahit isa, hindi naman siya ganun. I wonder what happened.
Napabuntong hinga na lamang ako sa sobrang lalim ng iniisip ko. Uminom muna ako ng coke na hawak ko bago ko sinagot si Andrea.
" Paano mo naman nasabi? " Tanong ko sabay abot ng Piattos pagkatapos ay binuksan ko, sabay-sabay naman silang kumuha ng makita nilang binuksan ko ang piattos.
" We don't have any evidence na siya talaga ang may gawa " Sagot nito sabay inom ng coke.
" Kung hindi siya, e sino? " Tanong ni Jay na kumakain na ng Kiwi matapos ubusin ang piattos. Oo, ubos na. Magic, right?
Sinamaan ko naman siya ng tingin.
" Bakit mo inubos?! " Tanong ko." Ako lang kumain ng last piece! " Depensa pa nito habang may lamang kiwi ang bibig. Inirapan ko naman siya at tumingin kay Andrea.
" Duh! Jay, why are you asking us? Kung alam pala natin edi sana hindi na tayo nahihirapan ngayon. " Sabi ni Francine kay Jay with a hint of sarcasm. Nag make face lang si Jay sakanya at pinagpatuloy ang pagkain ng kiw— banana. Banana. Banana naman ngayon. Napaka takaw.
" One more thing, kung dito talaga siya nag-aaral at hindi talaga siya ang gumawa, nasaan siya ngayon? Right? " Sabi ni Nicole kay Andrea. Napatango naman ako sa sinabi ni Nicole.
" Right. I know the police doesn't have enough proof na makapagdidiin na siya talaga but kung hindi pa siya magpapakita at hindi niya lilinisin ang pangalan niya mas lalong manghihinala ang lahat, " Napatango lang si Andrea sa aking sinabi. Tumayo naman ako at tumabi kay kira para makikain ng kiwi, sinamaan niya naman ako ng tingin, gumanti naman ako sabay sabing " Inubos mo ang piattos ko! " Hindi naman siya umimik at hinayaan lang akong kumain.
Ilang oras pa kaming kumain at nagkwentuhan bago kami maglinis ng mga pinagkainan, pagkatapos namin ay pumunta kami sa room ni Francine at doon nagpatuloy ng pagkwekwentuhan.
" Ano kayang nangyari kay Gen? " Tanong ni Ann habang nag-aayos ng kaniyang mga gamit.
Nagkatinginan naman kaming lahat at sabay sabay nagkibit ng balikat, tumingin ako kay Francine dahil sa lahat siya ang pinakaclose ni Gen.
" Nagsabi ba sa'yo ? " Tanong ko. Umiling naman ito bilang sagot at nagkalikot na ng cellphone.
Dumaan ang buong araw na wala kaming ginawa kung hindi kumain, manood ng movies at magkwentuhan. Hindi na din namin napag-usapan ang nangyayari sa school pati na din ang biglaang paglaho ni Gen.
Kinabukasan. Sunday. Maaga akong gumising para magsimba, wala sila mama at papa, hindi ko alam kung nasaan. Nakapag ayos na ako at handa na akong umalis pero bago ko pa tuluyang mabuksan ang pintuan ng aking kwarto ay nakita ko ang kalendaryo na nakasabit dito. July 1.
Nagsimulang mamuo ang luha sa aking mga mata ng maalala ko ang araw na iyon. Hindi ko na napansin, napakabilis ng araw. Today is the 2nd Death Anniversary of Anna.
Bago tumulo ang luha sa aking mata ay lumabas na ako.
Patawarin mo ako Anna. Pinagsisisihan ko ang lahat. Sana masaya ka na ngayon. Mahal kita, hanggang sa muli aking kaibigan.
Katatapos lang ng misa at tapos ko na rin ipagsindi ng kandila si Anna. Pigil na pigil ang pagtulo ng aking mga luha at pilit na kinakalimutan ang nakaraan.
Gusto ko man na bumalik ng Bicol at bisitahin ang kaniyang puntod ay hindi ko magawa, masakit pa rin.Kinuha ko ang cellphone sa aking bag at tinawagan si Nicole, agad din naman nitong simagot ang aking tawag.
[ " Oh? Napatawag ka? " ] Sambit nito sa kabilang linya.
[ " Saan ka? " ] Tanong ko habang naglalakad papuntang pila ng tricycle, balak ko pumunta kila Nicole at makikain.
[ " Dito sa bahay, nagbe-bake ako, bakit? " ]
[ " Good. Katatapos ko lang mag-simba, punta ako diyan " ] Ang sabi ko. Nagtaka naman ako dahil may narinig akong mga bungisngis sa kabilang linya pagkatapos ay naputol na.
" May bisita ba siya? " Nagkibit balikat na lamang ako at sumakay na ng tricycle papunta sa kanila.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Nakaitim
Mystery / ThrillerSabi nila tuwing sasapit ang ika pitong taon may babaeng naka itim ang nagpapakita sa estudyante ng Star Section. Pitong buhay ang kukunin niya. Maraming nagsasabi na tuwing ika pito ng taon. Sa parehong buwan, sa parehong araw, sa parehong oras. La...