Today is the day.....
" Elle! " Tawag sa akin ni Jay. Napalingon naman ako sa kaniya at nagtatanong ang mata ko.
" Wala ka bang nararamdamang kakaiba? " Tanong nito at kumapit sa aking braso, nagpatuloy kami sa paglalakad at nagpalinga linga ako.
" Anong kakaiba? " Tanong ko.
" Wala naman. Ang tahimik kasi, e. I wonder why... " Napa isip naman ako sa sinabi niya.
Simula kaninang umaga ay parang kami lang ang tao sa Department, wala kami masyadong nakakasalubong na students tulad na lang ngayon na kaming dalawa lang ang naglalakad sa kahaban ng hallway.
Nakasarado ang mga pintuan at curtains nila na ipinagtataka ko. Wala rin kami masyadong nakasabay sa Cafeteria at kung may makakasalubong man kami na student ay bigla itong tatakbo.
" Btw, Prof Ramirez told us na gagabihin tayong umuwi ngayon kasi may bukod daw na activity tayo. Hmm. Ano kaya iyon? " Napatango lang ako.
" Sa tingin mo anong activity meron tayo mamaya? " Nagkibit balikat naman ako bilang sagot.
" Ghost Hunting? " Natatawang sabi ko.
" Baliw! " Napatawa lang kami sa aming mga sarili.
Kakaiba talaga ang katahimikan na bumabalot sa amin para bang any minute ay may bubulabog sa katahimikan namin.
Maaga kaming pina uwi ngayon at pinaghanda sa magiging activity daw namin mamaya. Ngayon lang kami nainform na overnight pala ang magiging activity.
Masaya at excited ang lahat ng malaman ito.
Dumating ang oras na nagkita kita kami sa Gymnasium ng Alexus.
" Omg! I'm so excited! " Tuwang tuwa na sabi ni Nicole.
Inutusan kami na ilapag muna ang mga gamit sa bleachers at gumawa ng malaking bilog sa gitna ng court.
" Goodevening. I would like to welcome you all on tonight's activity, " Nagpapalakpakan kami at hindi maitago ang saya sa aming mga mukha dahil excited sa kung anong gagawin.
" You are all aware naman siguro that your section is very, very special here in Alexus, right? " Sabay sabay kaming napatango sa sinabi nito.
" Because of that we will give you a whole night para kilalanin ang isa't - isa ng mabuti, ngayong gabi ay malaya kayong gawin ang gusto niyo, kung gusto niyong libutin ang buong Alexus gawin ninyo, but remember no alcohol allowed, " Napatawa naman kami sa huling sinabi nito.
" We have only two rules, first dapat lahat kayo ay makilala ang isa't-isa, Second, your activity will end at 3:00 am. So, dapat pagbalik ko ay nandito na kayong lahat bago mag alas tres. Maliwanag ba? "
" Yes, sir! " Sabay sabay naming sabi, kahit ang weird at hindi ko alam kung para saan itong activity na ito ay naki join na lang ako sa sayahan na nangyayari.
Umalis si Prof Ramirez at nag simula kami sa aming activity. Aaminin ko na hindi ko masyadong kilala ang lahat kaya maganda din itong activity na ito.
Mayroong nagpatugtog ng party music kaya nag saya ang lahat at sumayaw mayroon ding nag patay ng ilaw at binuksan ang mga flashlights ng cellphone nila kaya nakigaya lang ako habang kinukumpas ang kamay sa ere at sumasayaw.
Nagkahiwa hiwalay kami kaya kung sino sino ang kausap ko. Nakilala ko si Jade, Felicity, Aesha, Myrell, Chezca at Jerome. Mababait sila at masayang kasama, madaldal din ang mga ito at maloko kaya nag eenjoy ako.
Wala ang miyembro ng Student's Council dahil tinambakan sila ng gawain ni Dean kaya hindi sila nakasama, kailangan daw matapos iyon ngayon dahil bukas na kailangan.
Tinawanan ko lang siya ng makita ko siyang kausap si Dean kaninang umaga, hindi maipinta ang mukha nito at mukhang mananabunot ng Dean noong tumalikod ang Dean sa kaniya.
Noong mapagod kami ay hinanap ko ang mga kaibigan ko at niyaya silang lumabas at maglibot na lang, pumayag naman ang mga ito maliba kay Gen at Francine na hindi namin makita, hindi rin nito sinasagot ang mga text and calls namin kaya iniwan na lang namin sila at naglibot.
" Maggo-ghost hunting ba tayo? " Tanong ni Ann.
Natawa naman ako sa kaniya dahil sa aming lahat siya ang pinaka matatakutin.
Bigla kong naalala yung Habitacion Secreta kaya hinila ko sila sa pader kung saan nilamon si Oli.
" Hoy! Ano na namang gagawin natin dito? " Nagtatakang tanong ni Jay.
" Samara told me about this secret passageway, This is Habitacion Secreta, " Nakangiti kong sabi.
" Habitat? " Tanong ni Andrea, sinamaan ko naman siya ng tingin.
" Habitacion Secreta, " Ulit ko.
" This Secret room may lead us to the secret office of Mr. Andrius and Ms. Alexa. "
" Ha? " Sabay sabay na tanong nila.
" The owner of Alexus. Sabi ni Samara hanggang ngayon daw ay walang nakaka alam kung saan nakalagay ang opisina ng mag asawa kahit ang mga anak at apo nila. Marami pa daw mga papeles ang naiwan doon ng mga lupa nila. " Paliwanag ko.
" So, you think na dito nakalagay ang office nila? " Tanong ni Ann kaya napatango naman ako.
" Eh, anong gagawin natin? We don't have any idea kung paano buksan iyan. " Napahugot naman ako ng hininga at humarap sa pader.
" That's why we need to find it, " Mahinang sabi ko pero sapat na para marinig nila.
Tinapat ko ang tenga ko sa pader at pinakinggan ng mabuti kung meron bang kakaiba dito.
" Anong ginagawa mo? " Tanong ni Jay sa likod ko kaya napatalon ako sa gulat.
" Ay lintek! Ano ba? Papatayin mo ba ako sa gulat?! " Natawa naman ito sa reaksiyon ko.
" Masyadong kang nerbyoso girl, iwas iwas din sa kape, " Sabi nito at tinawanan ako. Iniripan ko siya at nagpatuloy sa ginagawa ko, hindi siya umalis sa aking likod at pinagmamasadan ang ginagawa ko.
Maya maya lang ay tumalikod ito pero nakatayo pa rin sa likod ko.
" Habitacion Secreta, " Mahinang sabi nito pero narinig ko.
Shit! Nakarinig ako ng kakaibang tunog sa pader kaya napa atras ako at naitulak si Jay.
" Ano b — " Hindi na nito naituloy ang kaniyang sasabihin nang humarap sa akin.
Naaninag ko din na napatigil sila Nicole, Andrea at Ann sa nasaksihan nila.
Bumukas ang pader!
Nagkatinginan kaming lahat sa gulat at hindi makapaniwala, tumingin ako kay Jay na gulat na gulat at nakahawak ang dalawang kamay sa kaniyang bibig dahil hindi makapaniwala.
Niyugyog ko siya at niyakap pagkatapos ay tumili ng mahina.
" Ang galing mo! " Tuwang tuwa na sabi ko.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Nakaitim
Mystery / ThrillerSabi nila tuwing sasapit ang ika pitong taon may babaeng naka itim ang nagpapakita sa estudyante ng Star Section. Pitong buhay ang kukunin niya. Maraming nagsasabi na tuwing ika pito ng taon. Sa parehong buwan, sa parehong araw, sa parehong oras. La...