Chapter 13

34 14 0
                                    

Natapos kaming kumain pero walang Andrea ang dumating.

" Nasaan na ba si Andrea? " Tanong ni Francine.

" Susundan ko na lang " Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila at agad ng umalis.

Dumiretso ako ng Cr para tignan kung nandoon ba si Andrea pero tinignan ko na ang bawat cubicle ay wala akong nakita ni anino niya ay wala rin.

Sinubukan kong hanapin siya sa ibang Cr pero wala talaga. Sinubukan ko din siyang kontakin pero hindi siya sumasagot sa mga tawag ko.

" Andrea pick up, come on! " Lumilinga linga ako sa paligid nagbabaka sakaling makita ko siya.

Hindi na ako pumasok sa sumunod na subject namin at hinanap lang si Andrea.

Lumabas ako ng Alexus at pumara ng jeep, pupuntahan ko siya sa bahay niya at baka sakaling umuwi na siya.

Nang makarating ako ay kumatok ako kaagad.

" Tao po! Andrea? Nandyan ka ba? " Sigaw ko.

Bumukas ang pinto at niluwa nun si Andrea.

" Anong ginagawa mo dito? "

" Thank God! Akala ko kung ano ng nangyari sayo. Bakit hindi ka bumalik? "

" Ha? Masakit kasi puson ko kaya dumiretso na ako ng uwi at hindi na nakapag paalam " Paliwanag niya.

Tinitigan ko lang siya at inaral ang expression niya sa kanyang mukha halata namang hindi siya nagsisinungaling kaya nag paalam na ako.

" Ahh. Sige. Aalis na ako "

" Sige, Byeee "

Umalis ako ng bahay nila na malalim ang iniisip. Okay na ba talaga siya?

Dumiretso na ako ng bahay at hindi na muling bumalik sa Alexus. Pagkadating ko ay naabutan ko sila mama at papa na nanonood ng T.V.

" Anak, napaka aga mo naman yatang umuwi " Nagtatakang tanong ni mama.

" Ahmm ano po wala po kasi yung Prof. namin kaya maaga kaming pinauwi " Pagdadahilan ko.

" Ganun ba? O sige, mag bihis ka. Sumama ka sa amin ng Papa mo, pupunta kami ng Bicol susunduin natin ang Lola mo " Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni mama.  Pupunta kami ng Bicol?

" P-Po? " Hindi makapaniwalang tanong ko. Gosh! No!

" Ang sabi ko sumama ka sa amin ng Papa mo,  pupunta tayong Bicol susunduin natin ang Lola mo. Magbabakasyon lang siya ng isang linggo dito " Napalunok akong muli dahil sa sinabi ni mama.

Umakyat ako at nag simulang mag ayos ng gamit, nag dala na rin ako ng konting damit.

Nang makababa ako ay nakita ko silang palabas na kaya sumabay na ako.

" Ma!  " Pagtawag ko ng pansin kay mama.

Lumingon siya sa akin at nagtaas ng dalawang kilay na para bang nagtatanong kung bakit.

" Bakit magbabakasyon si Lola dito? " Tanong ko habang paakyat ng kotse. Sinarado niya muna ang pintuan ng kotse bago ako sagutin.

" Ayaw mo ba?  " Natatawang tanong ni mama.

Natawa din ako sa tanong niya gayun din si papa nasa likod ng sasakyan. Hinihintay na lang namin ni mama si papa dahil nag aayos pa siya ng gamit sa likod ng sasakyan.

" I mean bakit tayo pa ang susundo sa kanya pwede naman siyang ihatid nila Tito Jerome " Ang sabi ko na ang tinutukoy ay ang nakababatang kapatid ni Papa na si Tito Jerome na nag aalaga kay Lola.

" Aalis ang Tito Jerome mo at sa susunod na buwan pa ang balik, walang kasama ang Lola mo " Paliwanag ni Papa habang sumasakay ng kotse.

Halos anim na oras na kaming bumabiyahe ay hindi pa rin ako makatulog at nagagambala pa rin ako ng pagbabalik namin sa Bicol.

Limang taon na ang lumipas simula ng huling tapak ko sa Bicol.

Bicol is my home town. Doon ako lumaki at nagka isip. Nandoon ang masasayang memorya ng kabataan ko.

Until that incident happened that ruined my life......

Ang Babaeng NakaitimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon