" Teka lang Elle, ha. " Sabi nito, napahawak ito sa kaniyang ulo ng marinig ang sinabi ko.
" Samara, totoo iyon, " Napayuko ako ng bigla nitong hampasin ang lamesa sa harap namin at tumingin sa akin ng nanlilisik ang mga mata.
" Elle, aware ka naman siguro na palagi akong tinatawag ni Dean para lang gawin yung mga gawain na siya dapat ang gumagawa, diba? " Napatango naman ako sa sinabi niya. Totoo naman. Palaging wala si Samara at mababalitaan na lang namin na nasa meeting ito o di kaya ay inutusan ni Dean.
" Kulang na lang ay mag retire na siya at ako na ang pumalit sa kaniya, " Sabi nito at humawak sa ulo pagkatapos ay marqhas na tinaas ang ulo at tumingin ulit sa akin ng masama.
" Alam mo nababaliw na ako, tapos sasabihin mo yan? Yun talaga Elle, ha? " Sabi nito.
" Actually yun talaga ang pinunta ko dito, tatanungin ko sana kung may alam ka ba tungkol doon, para siyang sikretong lagusan papunta sa kung saan, " Napa-isip naman siya sa sinabi ko at tumayo pagkatapos ay naglakad ng pabalik balik habang nakalagay ang isang kamay sa baba.
" Actually, may nabanggit si Dean about sa.... Ano nga yun? May tawag doon e... " Pinitik pitik nito ang mga daliri hababg pilit na inaalala kung ano man ang sinabi ni Dean sa kaniya.
" Habi... Habi.. Habi.. Ano yun? " Hirap na hirap itong maalala ang salitang binibigkas nito.
" Habi? Habi.. Habitat? " Sinamaan naman ako ng tingin nito at inirapan ako.
" Eh, ano ba kasi yun? "
" I'm trying to think, okay? It's like umm.. Habi... My God! Bakit ba hindi ko maalala? " Naiinis na sabi nito at pinukpok pa ang ulo niya.
Napasandal ako sa pagkakaupo ko dahil sa inip. Maya maya lang ay parang nagkaroon ng bumbilya sa ulo niya.
" That's it! Habitacion secreta, " Tuwang tuwa na sabi nito.
" Merong nabanggit si Dean about that, ayun yung tawag sa opisina noon ng mag-asawang Alexa at Andrius, yun nga lang noong namatay na ang mga ito ay walang nakaka alam kung saang parte ng Alexus iyon nakalagay kahit ang mga anak niya ay hindi alam, sayang lang, ang sabi pa naman ni Dean ay may mga papeles pa daw doon ng mga lupa nila, at eto namang si Dean, pinahanap ba naman sa akin, siyempre hindi ko alam kung saang part ng university yun nakalagay kaya hindi ko na lang hinanap, and then eventually nakalimutan na din ni Dean iyon, " Pagkuwento nito.
Napatango tango naman ako, kung tama ang hinala ko, ang pader na iyon ang daan papuntang Habitacion Secreta.
Tumayo na ako at inayos ang sarili ko, nagulat naman si Samara sa biglang pagtayo ko. " Mauuna na ako, " Sabi ko at hindi na pinansin kung ano mang sasabihin niya.
-----------------------------------------
July 4.
Kinabukasan ay walang kakaibang nangyari sa amin. Sinubukan kong bumalik sa College Building sinubukan kong kapain ulit ang pader, nahuli pa nga ako ni Dean habang nakadikit ang tenga ko sa pader at sinusubukang pakinggan kung may maririnig ba ako doon dahil sa pagkapahiya ko ay hindi ko siya pinansin at tumakbo hanggang sa makarating ako ng room, hingal na hingal ako at pawis na pawis pagkapasok ko. Nagtatanong naman ang mga mata nila kung bakit ganoon ang kalagayan ko pero hindi ko na sila pinansin.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay wala ng kakaibang nangyari sa amin maliban na lang kapag naglalakad kami ay lagi kaming iniiwasan ng lahat o di kaya ay magbulungan sila na pa rang mga bubuyog.
" Huy! Kain tayo, " Sabi ni Jay, tulad ng madalas naming ginagawa kapag wala kaming masyadong iniintindi.
" Saan? " Tanong ko.
" Mcdo? Jollibee? Mang Inasal? Unli Wings? or Food District? " Tanong naman ni Francine, madalas kami sa mga nabanggit niya lalo na sa Food District dahil marami kaming pagpipilian doon lalo na at mayroong lugawan doon na paborito naming kainan.
" Low budget ako ngayon, " Natatawang sabi ni Ann.
" So, saan tayo? Kila Gen? " Suggest ko.
" Noodles ulit? " Sabi naman ni Francine na natatawa.
Um-oo naman ang lahat sa sinabi ni Francine, minsan kapag wala kaming pera ay nag aambagan kami pambili ng Nissin Noodles na maanghang tapos ay lulutuin namin kila Gen at doon kami tatambay at magkukwentuhan.
Tumingin kami kay Gen kung payag ba siya, wala naman itong nagawa at um-oo lang sa amin.
Katatapos lang namin mag luto at nasa sala kami nila Gen ngayon, walang tao sa bahay nila dahil napag alaman naming silang dalawa na lang pala ng lola niya ang natira, ang mama niya at ang step father niya ay bumukod na, ang ate naman niya ay minsan lang umuwi dahil madalas ay nasa Condo nila sa Manila.
Hindi din sumama si Andrea hindi na din namin siya pinilit dahil hindi mo iyon mapipilit.
Manonood kami ng movie kaya dito kami sa sala nila kumakain, si Gen ang nag set up ng DVD lumapit ako sa kaniya para tulungan siya ng makita ko ang isang picture frame sa likod ng
family picture nila Gen.Nanginginig ngunit dahan dahan kong kinuha ang larawan na iyon. Napatingin naman sa akin si Gen ng mapansin niya ako.
" Gen, Sino 'to? " Mahinang tanong ko.
" Ah iyan ba, si Karissa iyan, kababata ko matalik na kaibigan ko nung bata pa ako, " Nakangiting sabi nito.
Napalingon ako sa sinabi niya, ang laman ng picture frame ay larawan ni Gen at Karissa na magka-akbay.
" Bakit ngayon ko lang nakita 'to? " Sa dalas naming pumunta dito noon ay ngayon ko lang ito napansin.
" Ahhh, Oo, Recently ko lang iyan nilagay diyaan.. Alam mo kasi.. Wala na siya, " Sabi nito sa mababang tono, nangilabot ako sa paraan ng pagbikas niya sa kaniyang huling sinabi.
" A-anong nangyari? " Kinakabahang tanong ko.
" May tumulak kasi sa kaniya e, " Hindi ako sigurado sa narinig ko dahil masyadong mahina ang pagkaka bigkas nito.
" T-tumulak ? " Pinagpapawisang tanong ko.
" Ha? Hahaha. Hindi. Nahulog siya sa bangin, noong pumunta siya sa Pampanga para mag bike, " Hindi ko alam na kababata ito ni Gen.
" Matagal na ba siyang patay? " Muli kong tanong.
" 4 months ago... " Sabi nito at tumango tango pa.
Shit!
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Nakaitim
Mystery / ThrillerSabi nila tuwing sasapit ang ika pitong taon may babaeng naka itim ang nagpapakita sa estudyante ng Star Section. Pitong buhay ang kukunin niya. Maraming nagsasabi na tuwing ika pito ng taon. Sa parehong buwan, sa parehong araw, sa parehong oras. La...