Chapter 22

31 7 1
                                    

" Great " Naiinis na sabi ko. Bakit ba lumabas ako? Nakalimutan kong bago lang kami dito at napakalaki ng Alexus.

" Ang galing! Ang talino mo talaga Elle " Pagkausap ko sa sarili ko. Saang lupalop ko hahanapin ang Office ni Samara?

" Tska bakit walang mga students? Ofcourse! Kalagitnaan ng klase, kayo lang naman ang walang Prof becauseof that incident. " Patuloy kong pagsasalita habang naglalakad sa kawalan.

" Elle! Elle! " Napalingon ako sa aking likuran dahil sa boses na tumawag sa akin.

Pero laking gulat ko nang walang tao sa likuran ko. As in wala. The F! May multo ba talaga dito?

" Elle " Nanigas ako sa kinatatayuan ko. May bumulong sa aking likuran. Sa Tenga ko mismo. M-Multo!

Bago pa ako tumalon sa gulat at magsisisigaw ay tinakpan niya na ang bibig ko at inikot ako pagkatapos ay isinandal ako sa pader. Dahil sa takot at gulat ay napatulala na lamang ako.

" Hi. " Tinulak ko siya ng napakalakas at tinanggal ang kamay niya na nakatakip sa aking bibig.

" Sino ka?! " Tanong ko.

" Oli. Hindi mo ako natatandaan? " Tanong niya.

" Magtatanong ba ako kung kilala kita? " Naiinis na sabi ko. Napahawak ako sa kaliwang dibdib ko dahil sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Magugulatin talaga kasi ako.

" Sorry. Ako yung lalaking pinagtanungan niyo dati, nung bago pa kayo " Nakangiti niyang sabi.

Napataas naman ang aking kilay habang inaalala ang unang araw namin dito. Siya yun?

" Right! Hahaha. Hindi kita natandaan. Sorry. Pero sa susunod ha, huwag kang manggugulat " Sabi ko.

" Elle nga pala " Sabi ko habang inoffer ang kamay ko para makipagkamay.

" I know. Oli, my name " Sabi niya at tinanggap ang pakikipag kamay ko.

" Btw, Paano mo nalaman yung pangalan ko? Stalker ka ba? Ha? " Pag aakusa ko.

" No. No. No. Minsan kasi nakakasabay ko kayo sa Cafeteria and narinig ko tinawag ka ng friend mo one time " Pagpapaliwanag niya.

" Okay. Anong kailangan mo? Bakit mo ako tinatawag? "

" May gusto lang akong sabihin. Pwede ba tayong mag-usap? "

" About what? " Nagtatakang tanong ko.

" Sa nangyayari ngayon. " Napatuwid naman ako ng tayo dahil sa sinabi niya. May alam ba siya?

" Anong alam mo? "

" Nandoon ako. "

" Saan? " Nagtataka kong tanong.

" Kanina. I was looking for Prof Ramirez, He's my uncle and meron kaming gathering mamaya, sasabihin ko lang sana sakanya about the gathering when I accidentaly saw the incident " Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. He's a witness!

Tinakpan ko ang bibig niya at tumingin sa paligid kung mayroong tao na malapit sa amin.

" Shhhhh " Pagpapatahimik ko sakanya. Hinila ko siya habang nakatakip pa rin ang aking kamay sa kanyang bibig. Naglakad lang kami ng mabilis hanggang sa mapadpad kami sa likuran ng building.

" Bakit? " Nagtatakang tanong niya.

" Huwag kang maingay. You are a witness, baka may makarinig sayo " Bulong ko sakanya.

Ang Babaeng NakaitimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon