Nandito kami ngayon sa library at nag-aaral. May isa kaming kaklase na nag announce na magkakaroon daw kami ng surprise assessment sa Economics. Imagine, first day may discussion tapos may assessment agad kahit hindi pa nagtuturo? Gaano ba kakatalino ang mga nag-aaral dito at parang normal lang naman sa kanila ito? At ang hindi ko pa maisip isip kung paano niya nalaman namay assesssment kami, e, surprise nga? Ang gulo!
Ang free time sana namin ay nauwi sa pagrereview, pero ang totoo niyan parang naglolokohan na lang kami dahil hindi rin naman namin alam kung anong rereviewhin, so bakit kami nandito?
" Guys, " Mahinang sigaw ni Ann. Napansin ko ang hawak niyang libro. Mukhang lumang luma na mayroon pang kaunting alikabok.
" What's that? " tanong ko.
" Year book " Maikling sabi niya.
" Anong meron? " tanong ni Jay.
" Year book to ng Star Section. Tingnan niyo 1900 pa to. Pero dahil wala pang Senior Highschool noon 4th year Highschoo lang ang may Star Section, " Paliwanag niya.
" At saan mo naman nalaman yan, ha? " Tanong ni Gen.
" Hindi niyo ba napapansin? Star Section lang ang may coat sa uniform tapos lahat naka white long-sleeved. Tska ayan, nakalagay " Paliwanag niya sabay turo sa section at year na nakalagay sa year book.
" I mean malay mo may iba pang Star Section sa ibang level? Sa Grade 11 malay mo meron, diba? Napaka imposible naman Grade 12 lang meron? " Paliwanag ni Gen. May point din siya, ha. Teka nga, naguguluhan na ako. Ano bang meron?
Umalis ako sa pwesto ko at lumapit sa librarian para maki chismis.
" Ma'am, sa buong Senior High Department po ba ay kaming Grade 12 lang ang may Star Section? or meron din sa Grade 11 po? Napansin ko rin po kasi na naiiba ang uniform namin sa lahat, bakit po pala kami langa ang mayroong coat? Tska bakit iisang strand lang po ang ino-offer ng Alexus? I mean, sa laki po ng Alexus kayang kaya nilang i-offer ang lahat ng strands sa Senior High, so bakit HUMSS lang po?" Sunud-sunod kong tanong.
" Bago? " Tanong niya.
" Yes po. "
" Well, tama ka. Una, yes, sa lahat kayo lang ang may Star Section. Pangalawa, kayo lang ang may coat dahil nga nasa Star Section kayo at dahil doon ay special kayo, meaning? sabihin na lang nating mahal kayo ng may ari ng school. Pangatlo, HUMSS lang ino-offer dahil.."
" Dahil? "
" Dahil ayon ang gusto ng may-ari ng school at wala na tayong magagawa doon, " Ha? What? Pwede ba yon?
" Po? "
" Iha, mas mabuting wala na kayong masyadong alam, last year niyo naman na dito. Siyempre, yun ay kung hindi na kayo dito mag-aaral next year. "
" Ma'am.. "
" Yes? May tanong ka pa? "
" Ano pong meron sa ika-pitong taon? " Natigilan siya sa kaniyang ginagawa at tinitigan niya lang ako, hindi na ulit ito nagsalita. Tatanungin ko na dapat muli siya nang marinig ko ang bell hudyat na tapos na ang klase at magsisimula na ang susunod pa.
Hindi ko talaga alam kung anong nangyayari. Iisa lang ang alam ko mayroong kakaiba dito sa Alexus, at iyon ang aalamin ko.
" Alam niyo, mali yata na dito tayo nag-aral, " Nakatulalang sabi ko sakanila habang pabalik sa classroom.
Napakunot naman ng noo si Gen at tinitigan ako. " What do you mean? " Tanong nito.
Hindi ko na siya pinansin at naglakad na lang habang iniisip pa rin kung anong meron sa Alexus at kung anong merong ngayong taon.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Nakaitim
Mystery / ThrillerSabi nila tuwing sasapit ang ika pitong taon may babaeng naka itim ang nagpapakita sa estudyante ng Star Section. Pitong buhay ang kukunin niya. Maraming nagsasabi na tuwing ika pito ng taon. Sa parehong buwan, sa parehong araw, sa parehong oras. La...