July 2.
Lunch na ng makapasok ako sa Alexus, may pinadaanan pa sa akin si Mama kaya nalate ako ng bongga.
" Wow! Ang galing. Idol, " Pinalakpakan ako ni Jay nang makaupo ako, sa cafeteria na ako dumiretso dahil lunch na nga, muntik pa akong hindi papasukin ng guard, buti na lang nauto ko.
Nginitian ko naman si Jay nang maka upo na ako ng tuluyan. " Ano ka ba, ako lang 'to " Ang sabi ko sa kaniya.
" I am being sarcastic here " Sabi nito at inirapan ako.
" I am too, " Banat ko, inagaw ko naman ang pagkain niya.
" Hey! That's mine. " Inagaw nito sa akin bago pa ako makasubo.
" Spaghetti ito, " Sabi ko at inagaw ulit ang plato, sinimangutan niya naman ako, " Carbonara favorite mo, bumili ka dun, " Sabi ko sabay turo sa stall nang bilihan ng carbonara. Hindi naman ito nagsalita pa at hinayaan akong kainin ang spaghetti.
" So, bakit ka nga late? " Tanong naman ni Gen.
Wait...
" Omg, Gen! Nandito ka na pala. " Gulat na gulat na sabi ko.
" Ano ka ba! Hindi ako si Gen, " Inirapan ko naman siya at sabay kaming tumawa sa kalokohan niya.
" Inutusan ako ni Mama, naiwan kasi ni Papa yung wallet niya, dumaan pa ako sa office ni Papa, " Paliwanag ko.
" At talagang inabot ka pa ng ganitong oras, ha, " Tumango tango naman ako habang kinuha ang yakult na iniinom ni Jay.
Hindi naman ito nagreklamo at binigay sa akin.
" Yep. " Maikling sagot ko.
Maaga kaming natapos kumain at napagdesisyunan naming bumalik na sa room, dumadami na ang tao sa cafeteria at masyadong crowded, tho hindi naman crowded sa area namin dahil nga Star Section kami, ang galing, no? May sarili kaming area sa cafeteria at may harang iyon, talagang kami lang ang pwede duon.
Habang naglalakad kami sa hallway ay may naririnig akong bulungan, kapag napapatingin ako sa kanila ay yumuyuko sila na parang takot na takot, hindi din sila sumasabay sa amin sa paglalakad at tumatabi sila kapag nakikita kami.
Nang makarating kami sa palapag kung nasaan ang room namin, maraming estudyante sa hallway pero nang makita kami ay para silang nakakita ng multo at nag unahan pumasok sa kanilang room, sinarado din nila ang mga pinto at sinarado ang kurtina.
" Okay? What is happening here? " Nagtatakang tanong ko.
Nagkatinginan naman kami at sabay sabay na nagkibit balikat.
" Mag iisang buwan na kayo dito, ngayon niyo lang napansin? " Napatingin kami sa boses na nagsalita sa likuran namin. It was Sophie and the dabarkads.
" Masanay na kayo, " Sabi nito. Nagkatinginan kami sa sinabi niya, masanay saan?
" And what do you mean by that? " Mataray na tanong ni Nicole.
" You guys are part of the Star Section, what do you expect? Mataas ang tingin nila sa atin dahil mataas ang mga IQ natin, ewan ko na lang sainyo, " Napaka yabang! Lumapit ako kay Jay at bumulong sa kaniya.
" Nagtataka lang ako, matataas daw ang IQ sa Star Section pero kabilang tayo doon, " Nagkatinginan naman kami ni Jay at nag-usap ang mata namin.
" Bakit tayo nandito? " Sabay na bigkas namin ni Jay, natawa naman kami pareho dahil sa kalokohan naminn. Natigil lang kami sa pagkwekentuhan dahil mukhang nagkakainitan na naman si Andrea at Sophie.
" Hoy! Kami nga tigil tigilan mo sa ugali mo, akala mo naman ang ganda ganda mo, hindi ka maganda, " Napa 'ohhh' kami sa sinabi ni Andrea at nag apir pa, pero mukhang hindi naman natablan si Sophie sa sinabi ni Andrea kaya tumigil din kami agad
" Whatever you say, " Naka taas kilay na sabi nito at nilampasan na kami, confident itong nag lakad at hinawi pa ang buhok.
" Whatever you say, " Pang gagaya ni Gen kaya napatawa kami, muling naudlot ang tawanan namin nang bumalik si Sophie.
" One more thing, the rumor about the babaeng nakaitim is not fake, so mag iingat kayo, malapit na " Napatayo ako ng tuwid sa sinabi niya.
Akala ko ba hindi totoo iyon?
" What are you saying? " Tanong ko. Lumapit siya sa akin ng sobrang lapit at tumapat ang bibig niya sa aking tenga, yumuko pa siya upang magawa iyon dahil di hamak naman na mas matangkad ito sa akin.
" It's for me to know, and for you to find out, " Umayos siya ng tayo at tinignan ako ng diretso sa mata, dahan dahan niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko at pinagpag iyon na para bang may dumi.
" Isa lang ang payo ko sainyo, " Tumingin siya sa akin at sa mga kaibigan ko.
" Mag-iingat kayo. Sundin niyo na lang para wala ng masaktan sainyo, " Pinagpag pa niya ng ilang ulit ang coat ko at hinawi ang buhok ko sa likod, pagkatapos ay pinaglandas ang kaniyang daliri sa aking pisnge at tumingin ng diretso sa mata ko, nakipagtitigan naman ako sa kaniya.
Naputol lang iyon ng maramdaman kong may humila sa akin, nang aking tignan ay nakita ko si Jay, itinago niya ako sa kaniyang likod at siya ang nakipagtitigan kay Sophie.
" Huwag mong hawakan ang kaibigan ko. " Madiing sambit nito, naramdaman ko ang paghigpit ng kaniyang hawak sa akin, mukhang galit na ito.
Tumawa lang si Sophie at muli ng tumalikod at naglakad paalis, sumunod naman sa kaniya ang kaniyang dabarkads.
" I'm okay, " Tumango lang ito at binitawan na ang pulsuhan ko.
Naging tahimik lang ako buong araw, nawalan ako ng gana sa buong magdamag, lalo na at katabi ko pa si Nicole.
" Are you still mad at me? " Bulong nito sa akin. Inirapan ko naman siya at medyo lumayo sa kaniya.
" Come on, Elle. I'm sorry, " Tumingin ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay.
" I'm not mad, naiinis lang ako, kailangan mo ba talagang akong bayaran para lang manahimik ako? I was insulted. Kaibigan mo ako, okay. It is not my story to tell, kung ayaw mo malaman nila, hindi mo ako chismosang kapit-bahay na magkakalat ng kung anu-ano! Isa pa, gusto ko lang na sabihin mo sa akin kung bakit pinili mo yung ganoong sitwasyon, gusto ko lang ng explanation dahil kaibigan mo ako! " Sunud-sunod kong sabi.
Nginitian niya ako at hinawakan ang kamay ko.
" I appreciate your concern about me, I appreciate you and I am greateful that you are one of my bestfriend, thank you, " Niyakap niya ako pagkatapos niyang magsalita.
" Ehem! Ms. Rodriguez, Ms. Tupal, What is happening? " Agad kaming napahiwalay ng yakap sa isa't isa ng marinig namin ang boses ni Prof. Azunta.
Nagkatinginan naman kami at napangiwi dahil sa kadramahan namin.
" Prof. Umm. Nothing hehe, " Awkward na sagot ni Nicole.
Hindi na kami pinansin nito at nagpatuloy na sa pagtuturo, bumulong naman sa amin si Andrea na nasa likod lang namin.
" Anong drama niyong dalawa? " Natatawang tanong nito. Parehas naman naming sinamaan ito ng tingin at tumalikod na. Parehas kaming yumuko sa kahihiyan ng mapagtanto na nakatingin sa amin ang lahat.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Nakaitim
Mystery / ThrillerSabi nila tuwing sasapit ang ika pitong taon may babaeng naka itim ang nagpapakita sa estudyante ng Star Section. Pitong buhay ang kukunin niya. Maraming nagsasabi na tuwing ika pito ng taon. Sa parehong buwan, sa parehong araw, sa parehong oras. La...