Chapter 29

22 6 0
                                    

July 3.

" Francine? Bakit tumatawag ka? Nasaan ka ba? Malapit na matapos yung time, sa cafeteria na lang t- "  Nandito kami ngayon sa Library, nagrereview kami dahil mayroon kaming long test after lunch.

" ANO?! " Napatingin kami kay Nicole ng bigla itong sumigaw at tumayo pa, pati na ang mga ibang estudyante ay napatingin sa gawi namin.

" Shhhhh, " Saway ng librarian sa amin.

" Bakit ka ba sumisigaw? " Suway ni Ann sa kaniya.

" Umupo ka nga, " Dagdag pa ni Ann.

" Okay, okay, papunta na kami, " Binaba nito ang tawag at tumakbo na hindi man lang kami pinapansin, tumigil lang siya ng mapansin niya na hindi kami sumusunod sa kaniya.

" Ano ba kayo? Si Francine nakita daw si Oli, " Nag unahan naman kaming tumayo lalo na ako dahil sa narinig namin.

Pati si Gen ay napatayo din sa amin dahil nataranta kaming apat.

" Teka, Sino si Oli? " Pigil sa akin ni Gen.

" Mamaya na namin ipapaliwanag, " Ang sabi ko at tumakbo na palabas ng Cafeteria, naramdaman ko namang sumunod siya sa amin.

" Sandali, Gen, " Tumigil ako sa pagtakbo at humarap sa kaniya pagkalabas namin ng Library.

" Hanapin mo si Prof. Arthur, sabihin mo nakita natin si Oli, " Nagtaka naman siya sa sinabi ko.

" Bakit? Sino ba si Oli? " Naguguluhang tanong nito.

" Basta! " Sabi ko at tumakbo na at sumunod kila Nicole.

" Saan daw niya nakita? " Sigaw ko nang maabutan ko sila.

" Hallway.. malapit sa.. room " Hingal na hingal na sabi nito.

" Sandali, tumigil... muna.. tayo, " Tumigil si Nicole at naghabol ng hininga ganun din ang ginawa ko.

" Bakit.. kayo.. tumigil? Hooo, Grabe nakakahingal, " Tanong ni Jay.

" Maghiwalay tayo, dumaan kayo sa College Department na dugtong sa building natin, ako na ang pupunta kay Francine, ikutan natin siya, okay? " Tumango naman silang tatlo at nagsimula ng bumaba, ako naman ay umakyat papuntang room.

" Francine, " Hingal na hingal na tawag ko nang hindi ko siya makita sa hallway.

" Nasaan ka? " Tanong ko. Nagsimula akong maglakad sa hallway na papunta sa College Building.

" Francine? " Tawag kong muli.

Nilabas ko ang cellphone ko para matawagan siya, pero bago ko pa ito magawa ay may tumawag sa aking likuran.

Nagulat ako kaya napatalon ako at nahulog ang aking cellphone.

" Wtf! Bitch! " Sabi ko ng mapagtanto kong si Francine iyon.

" Sorry, " Pagpapaumanhin nito. " Bakit ikaw lang? Nasaan yung iba? " Tanong nito nang mapansin na mag-isa lang ako.

" Pina-ikot ko sila, just in case na hindi natin siya maabutan. Ano? Nasaan siya? " Tumango ito at hinatak ako, bumaba kami sa hagdan, pagkababa namin ay may mga College Students sa paligid. Pinagtitinginan nila kami, nagtataka siguro kung ano ang ginagawa namin doon.

" Sinundan ko siya nang makita ko siya tapos pumasok siya ng Science Lab, doon ko na siya huling nakita, bago ako bumalik, " Sabi ni Francine nang matapat kami sa Science Lab.

Ang Babaeng NakaitimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon