Dumaan ang tatlong buwan na pabalik balik si Ann sa aming eskuwelahan para makibalita kung anong pagpapahiya at pagpapa hirap ang ginawa ko kay Anna.
Minsan ay lumalabas pa kami. Sa araw araw na lumipas ay hindi ko na naisip pa ang pagkaka ibigan namin ni Anna.
Para bang naka hanap ako ng bagong kaibigan ng dahil kay Ann. She became my friend. A true friend.
Friday Night. Inimbitahan ako ni Ann sa bahay nila para doon mag dinner.
" Elle, you're here. Tara pasok ka " Yaya niya sa akin papasok ng bahay nila. Hindi naman na ako nahiya dahil palagi din akong nasa bahay nila noon .
" Pa! This is Elle my friend. " Pagpapa kilala niya sa akin. Unang beses kong makilala ang daddy niya na daddy din ni Anna? I guess.
" Hello po. " Magalang na bati ko.
" Hi Tita. Good evening po " Bati ko sa mama ni Anna.
" Elle, ikaw pala iyan. Good evening din. Saglit lang ha maghahanda lang ako ng hapunan natin " Ang sabi nito at pumunta na ng kitchen.
" Nasaan si Anna? " Tanong ko kay Ann na nanonood ng T.V.
" Hindi ko alam. " Ang sabi nito. Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Kilala ko si Anna, hindi yun lumalabas ng gabi dahil takot iyon.
" Handa na ang hapunan! " Tumayo naman kami agad ni Ann dahil sa sinabi ni Tita.
" Tita. Nasaan po si Anna? " Tanong ko.
" Ewan ko ba sa batang iyon. Palagi ng gabi kung umuwi, ang akala ko nga kasama mo "
" Po? Hindi po Tita. Kami po ni Ann ang palaging magka sama. Hindi na nga po kami masyadong nagkaka usap e " Paliwanag ko.
" Ganun ba? Nasaan ang batang iyon? Naku talaga! Hindi naman dating ganoon iyon ha " Nag aalalang sabi ni Tita.
" Hon. Huwag kang mag alala. Baka nasa ibang kaklase lang iyon " Pagpapa gaan ng loob na sabi ni Tito kay Tita.
Alas nuwebe na ay nandoon pa ako sa bahay nila Ann. Maya maya lang ay dumating na si Anna na naka uniform pa.
" Susmaryosep kang bata ka! Saan ka ba nagpupu punta! " Sigaw ni Tita.
Napalingon naman sa amin si Anna at napakunot ang noo.
" Anong ginagawa mo dito?! " Galit na tanong nito na hindi pinapansin si Tita.
" Inimbitahan ko siya, bakit?! " Nagtitigan silang dalawa at kapwa masasama ang tingin sa isat isa.
" Nag aaway ba kayo? " Naputol ang masamang pagtitinginan nila ng mag salita si Tito.
" Hindi po " Sabay na sabi nila at yumuko.
" Mauna na po ako " Ang sabi ko para mabali ang tensyon na nabubuo sa paligid.
" Ihahatid na kita " Ang sabi ni Tito " Sama ako, Pa " Hindi naman sumagot si Tito at nauna ng lumabas.
Nagpa alam ako kay Tita bago ako umalis at nilampasan lang si Anna.
9:30 na ng maka uwi ako sa bahay. Hindi naman ako pinagalitan dahil nag paalam ako.
" Mag iingat po kayo " Pahabol ko bago sila maka alis.
" Elle.... " Napalingon ako dahil sa pamilyar na boses na tumawag sa akin.
" Look who's here. Ang babaeng anak sa labas! Anong kailangan mo? "
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Nakaitim
Mystery / ThrillerSabi nila tuwing sasapit ang ika pitong taon may babaeng naka itim ang nagpapakita sa estudyante ng Star Section. Pitong buhay ang kukunin niya. Maraming nagsasabi na tuwing ika pito ng taon. Sa parehong buwan, sa parehong araw, sa parehong oras. La...