Chapter 9

53 16 0
                                    

" Bakit hindi ka sumasagot sa mga text and calls ko? " Tanong ni Jay. Himdi ko siya pinansin at patuloy lamg naglalakad, sumasabay naman sila sa akin at hindi ako tinatantanan.

" Ano bang nangyari sayo? " Muling tanong nito.

" Pumunta kami sainyo kahapon, ayaw mo naman kaming kausapin " Sabi naman ni Gen.

" Elle, kausapin mo nga kami! " Huminga muna ako ng malalim bago sila hinarap.

" Guys, Chill. Ayos lang ako. Okay! " Natatawang sabi ko sakanila.

" Ano ba kasi talagang nangyari sayo? " Tanong ni Gen.

" Ahmm... Ano.... Pagod lang. haha. Oo, pagod lang "

" Alam niyo naman ang dami nating ginawa noon isang araw, diba? " Paliwanag ko sakanila. Halata namang hindi sila naniniwala pero hinayaan na nila ako at hindi na muling kinulit pa.

" Ang dami mong na missed kahapon. Alam mo bang si Sophie may tinapunan ng juice sa ulo dahil nabangga siya. Akala mo naman mamamatay siya. " Kuwento ni Nicole.

Hindi ko pinapansin si Nicole kahit patuloy pa rin siya sa pagdaldal niya.

" Nakikinig ka ba? " Naiinis na tanong ni Nicole.

" Hindi. " Matamlay kong sabi.

" Mauna na kayo, comfort room lang ako. " Ang sabi ko.

" Sama ako " Sabi ni Ann.

" No, it's okay. I can handle myself. " Napakunot ang noo niya sa sinabi ko.

" Iihi din ako no! Ano ikaw lang may karapatan mag cr?" Natawa naman sila dahil sa sinabi ni Ann.

" Oh. Hahaha. " Tanging sagot ko.

Nauna na ngang pumasok sila Nicole sa room at kami naman ni Ann ay nag cr.

Pagkapasok namin ng cr ay dumiretso agad sa isang cubicle si Ann at ako naman ay tumapat sa salamin at tinitigan ang sarili.

" Buti at sinagot mo ang tawag ko kahapon. Takot na takot ako, " Sabi ni Ann habang nasa cubicle pa rin.

" Ann please, Huwag na nating pag usapan pa. " Walang gana kong sabi.

Lumabas siya ng cubicle at tinignan ako sa salamin.

" Okay.Okay. Fine. Hindi na ako magsasalita pa, " Sumusukong sabi niya.

" Pero, Elle kasi..."

" Nangako ako diba?  Walang makakaalam " Hinawakan ko ang kamay niya at nginitian siya.

" Salamat " Nginitian niya ako pabalik at niyakap.

Napagdesisyunan namin na pumunta na ng room dahil masyado na kaming nagtatagal sa cr.

" Bakit ang tagal niyo? " tanong ni Andrea

Nginitian ko lang siya at di na pinansin. Nagsimula naman kaagad ang klase ng dumating ang Prof. namin.

Isang oras na ang nakakalipas ay biglang may narinig kaming malakas na sigaw na nagmula sa labas.

Lahat kami ay napatingin sa bintana. Lumabas si Prof. Almadro para tignan kung ano ang nangyayari. Sumunod naman ang iba naming kaklase para makibalita, ganun din ang ginawa namin.

Pagka labas namin ay nakita namin ang isang babae dumudugo ang ulo niya at panay ang sigaw niya.

" Miss Flores, What is happening to you? " Nag aalalang sabi ni Prof.

Ang Babaeng NakaitimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon