Katatapos ko lang maglinis ng katawan at ngayon ay pinapatuyo ko lang ang buhok ko.
" Anna! Wait. " Pigil ko sakanya. Tatlong araw na simula ng huli kaming magkita at lagi niya akong iniiwasan at hindi na rin siya nagpupunta pa ng bahay, hindi ri siya sumasagot sa mga text and calls ko.
Nilingon niya ako ng hilahin ko ang kaniyang braso. " Ano bang nangyayari sayo? Bakit iniiwasan mo ako? " Inis na sabi ko.
Tahimik lang siyang naka tungo at hindi nag sasalita. Binitiwan ko ang kaniyang braso para makapag usap kami ng maayos pero pagka bitaw ko ay agad na siyang tumalikod at umalis na walang pasabi.
For three weeks that passed, nawalan ako ng kaibigan. Tuwing magkaka salubong kami ay parang hindi na kami magkakilala. Lumipat na rin siya ng upuan niya sa room, nagtataka na nga ang iba at nagtatanong kung anong nangyari dahil nahahalata na nilang may problema kami. Naninibago siguro dahil kilala nila kami at hindi sila sanay na hindi na kami magkasama lagi.
Nandito ako ngayon sa ilalim ng puno kung saan ang dating tambayan namin ni Anna at nagpapahinga ng biglang may mag salita sa gilid ko.
" Hi! " Dinilat ko ang aking mata at bumungad sa akin ang isang babae. Napakunot ako ng noo dahil hindi ko siya kilala. Tinignan ko siya mulo hanggang paa. Mayroon siyang buhok na hanggang bewang, maliit ang hugis ng mukha pero mataba ang pisngi but payat siya.
" Ahmm. Do I know you ? " Tanong ko.
" Actually, No. Because obviously I'm not a student here " Ang sabi niya at tinignan ang uniform ko at tumingin sa katawan niya dahil hindi siya naka uniform at naka pantalon at simpleng t-shirt na kulay yellow.
" Ohhhh. May kailangan ka ? " Tanong ko at tumayo dahil naka upo ako at naka sandal sa puno.
" Itatanong ko lang kung kilala mo ba si Anna " Napatigil ako sa pagpapagpag ng palda ko sa tanong niya.
" Anna? "
" Yes. Anna. Anna Fernando " Ulit niya.
" Oo. Bakit? "
" Kapatid niya ako, dadalawin ko lang sana siya " Nakangiting sabi niya.
" Kapatid? "
" Yes "
" K-kaklase ko siya. Pero hindi ko alam kung nasaan siya ngayon, pasensya na " Ang sabi ko at nilampasan na siya.
" Wait! Pwede mo ba akong samahan na hanapin siya? Please. " Ang sabi niya habang naka hawak sa braso ko. Huminga ako ng malalim bago tumango.
" Yess! "
" By the way, I'm Ann Santiago. " Ang sabi niya.
" Elle. " Maikling sabi ko.
" Alam mo, ikaw talaga ang in approach kasi namumukhaan kita, parang nakita kita sa kwarto ni Anna. Are you two are friends ? "
" Ewan. "
" Ha? "
" I mean hindi na kami masyadong nagkikita at nag uusap, but before we're inseperable " Paliwanag ko. " But, nitong mga nakaraang araw hindi na kami nakakapag usap and every time na nagkaka salubong kami. I don't know , we are like strangers to each other. "
" Kaya pala pamilyar ka. So ikaw nga yung kaibigan ni Anna" Tumango naman ako bilang sagot.
" E bakit hindi ka niya pinapansin? " Tanong nitong muli. Nagkibit balikat naman ako bilang sagot sa kanya.
" Ganito na lang " Ang sabi niya. " How about kuwentuhan mo na lang ako about kay Anna "
" Alam mo na, hindi ko siya ganoon kilala kaya gusto kong makilala siya lalo "
" Edi mag bonding kayo. Para makilala mo siya "
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Nakaitim
Mystery / ThrillerSabi nila tuwing sasapit ang ika pitong taon may babaeng naka itim ang nagpapakita sa estudyante ng Star Section. Pitong buhay ang kukunin niya. Maraming nagsasabi na tuwing ika pito ng taon. Sa parehong buwan, sa parehong araw, sa parehong oras. La...