Natatanaw ko na ang bahay namin at nagsisimula na akong pagpawisan at kabahan.
Tulad ng dati. Walang pa ding pinag bago. Ganun pa rin. Tahimik. Maaliwalas.
Alas tres na ng madaling araw ng makarating kami sa bahay nila Tito Jerome.
Tulog pa si Lola ng dumating kami tanging si Tito Jerome lang ang sumalubong sa amin at ang asawa niya.
" Eto na ba si Elle? Ang laki mo na! " Natatawang sabi ni Tito Jerome habang pina pat ang ulo ko.
Hindi na kami masyadong nag kamustahan at nag pahinga na agad dahil mahaba pa ang babyahihin namin bukas ulit.
" Anak, sige na umakyat ka na sa taas at magpa hinga na, maaga pa tayong aalis bukas " Ang sabi ni mama.
Humalik ako sa pisngi nila bago umakyat sa kwarto ko...........noon.
Nang maka akyat ako ay nagsimula nang manginig ang mga tuhod ko.
Tumapat ako sa aking kwarto, nakatitig lang ako at hindi alam ang gagawin.
Dahan-dahan kong inikot ang seradura ng pinto.
" Elle bakit kailangan niyo pang lumipat? " Tanong ni Anna.
" Ano ka ba! Next year pa naman ako lilipat tska bibisita naman ako dito " Natatawang sabi ko sa kanya. Si Anna ang kaibigan ko simula kinder. We're inseparable.
" Still. Lilipat ka pa rin a---- " Hindi na niya natapos ang sasabihin ng biglang tumunog ang cellphone niya.
" Saglit lang ha. " Ang sabi niya at medyo lumayo sa akin para sagutin ang cellphone niya.
" Elle! Oh my god! Mauna na ako sayo ha. " Akmang aalis na siya ng hawakan ko ang kamay niya.
" Saglit lang. Bakit nagmamadali ka? "
" Elle, makikilala na namin yung kapatid ko " Masayang masayang sabi niya. Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.
" Totoo? OMG! Sige na " Ang sabi ko habang nagtata talon pa sa kama. .
Kinabukasan pag pasok ko ay agad kong nakita si Anna na nakatungo sa lamesa niya. Nilapitan ko siya at niyugyog ang kanyang balikat.
Pagka angat niya ng kanyang ulo ay agad kong napansin ang kanyang pisngi na may kalmot.
" Anong nanyari diyan? " Turo ko sa pisngi niya.
Agad niya itong hinawakan " A-ano to.. Nakalmot ng pusa "
"Pusa? Kailan pa kayo nagka pusa? "
" Ha? Ano... Diba mahilig ako sa pusa nacute-an ako dun sa pusa na nasa tapat ng bahay namin e, kaya binuhat ko tapos nakalmot ako. Hehe " Paliwanag ni Anna.
" Tsk. Tsk. Ayan kasi... " Umupo ako sa tabi niya.
" Sooo, Anong nangyari? Nakilala mo na kapatid mo? " Nacucurious na tanong ko. Natahimik naman siya sa tanong ko.
" Ahmm. Oo. "
" Mabait? "
" Ha? Oo. Mabait naman. " Nakatungong sabi niya.
Napakunot ako dahil kakaiba ang mga kinikilos niya, para bang hindi totoo.
" E bakit parang hindi ka naman masaya? "
" P-pagod lang siguro. Kasi ano, late na kami naka tulog " Ang sabi niya at tumayo at nagsimulang ayusin ang mga gamit niya.
" Oh, saan ka pupunta? " Nagtatakang tanong ko.
" Magc cr lang ako " Ang sabi niya at umalis na.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Nakaitim
Misterio / SuspensoSabi nila tuwing sasapit ang ika pitong taon may babaeng naka itim ang nagpapakita sa estudyante ng Star Section. Pitong buhay ang kukunin niya. Maraming nagsasabi na tuwing ika pito ng taon. Sa parehong buwan, sa parehong araw, sa parehong oras. La...