Title: Kasinungalingan
✍ @atingbitter
Dedicated to: Maxine WpBakit sa dinami-dami ng tao sa mundo
Ako pa ang babaeng napili mo
Napili mong iwan na sugatan ang puso ko
Hindi pa ba sapat na minahal kita ng totoo?Naniwala sa lahat ng sinabi mo,
Nagpadala sa matatamis na salita mo,
Akala ko lahat ay pawang totoo
Ngunit isa ka lang tampalasang manloloko"Mahal na Mahal kita"
"Sa puso ko'y nag-iisa ka"
"Hindi kita iiwanan"
"Hindi papabayaan"
"Magtatagal tayo magpakailanman"
Tama na ang kasinungalingan mo
Kahit isa ba sa binitawan mo ay may katotohanan
O pawang puro kasinungalingan?Ako'y naguguluhan sa tunay kong nararamdaman
Tila ito'y isang bangungot na aking napanaginipan
Nagising nalang sa isang katotohanan
Na hindi ako, hindi ako ang laman ng puso mo
Sapagkat mayr'ong siya na tunay na mahal moHindi ko alam kung saan ako nagkamali
Sa aking isipan ay napapangiwi
Nagpadala sa katangahan ko
At tuluyang naniwala sa kasinungalingan mo
Ngayon ako'y sobrang nasasaktan
Matinding hagupit ang dinulot mo sa aking nakaraan
Bukas babangon at hahanapin ang tunay na sa aki'y laan
Tunay na mag-aalay ng pagmamahal na pangmatagalan.

BINABASA MO ANG
Poem For You
AléatoireCompilation of requested poems na nakapost na sa Facebook account ko "Akihara Zhyx Beunaventura". I hope you'll like it too😂