(28) Kahit Ayaw Mo Na

8 1 0
                                        

Kahit Ayaw Mo Na
✍@atingbitterkyut
Dedicated to:Prince Joshua Abelgas

Dalawang salita ang sasambitin-mahal kita
Kahit ayaw mo na o kahit mayroong iba
Kahit malabo na, ako'y lalaban pa
Kahit sobrang sakit na patuloy na iibigan ka

Gan'yan talaga ang pagmamahal
Hihintayin mo kahit gaano katagal
Siya pa rin kahit 'di ka na niya mahal
Aasa ka kahit tawagin ka pang isang hangal

Umaasa ako sa salitang ikaw at ako-sa binuo nating tayo
Pinanghahawakan ko ang mga salita ko-binitawang pangako
Inaasam na mayakap ka ng mahigpit-hinihintay ang pagbabalik mo
Nasasabik at nahihibang na nga ako sa 'yo

Kahit alam kong ako'y talo na
'Di pa rin susuko sa 'yo sinta
Kahit paulit-ulit mong sabihin na ayoko na
Wala akong paki' basta'y mahal kita

Mali man sa paningin, kahit magmukhang tanga sa iba
Sakit ay 'di ko na alintana, gan'yan kita kamahal sinta
Pagmamahal na walang hinihiling kundi mahagkan at mayakap ka
Mahal na mahal kita kahit pa ayaw mo na

Poem For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon