Title: Nagbago Kasi May Bago
✍ @atingbitter
Dedicated to: Abby LagdameoMasasayang araw ay naglaho
Napalitan nalang ng panibugho
Pagmamahalan ay binalewala mo
Dahil ikaw ay biglang nagbagoBakit ka nga ba nagbago?
Basta mo ko iniwan na blanko?
Anong dahilan at nilisan mo?
Bakit nagawa mong saktan ang puso ko?Ngayon alam ko na ang sagot sa lahat ng tanong ko
Saksi mismo ang mga mata ko
Nagbago ka kasi may bago
Hindi na mapigilan maglandas mga luha koSana naman sinabi mo
Para hindi na umasa puso ko
Para matagal ko nang itinigil ang katangahan ko sayo
Sana hindi na nasaktan nang sobra ang damdamin koAnong mayr'on sa kanya na wala ako
Binigay ko naman buong pagmamahal ko
Hindi pa ba sapat, anong pagkukulang ko
Sana sinabi mo para mapunan koBumabalik nanaman ako sa pagiging tanga ko
Heto patuloy na nagsusumamo na balikan mo
Kahit alam kong malabo
Umaasa pa rin akoNagbago ka nga pala para sa kanya
Hindi na ako at siya na ang mahal mo
Siguro tama na ang pagiging tanga
Tatapusin ko ito sa salitang paalam na kahit mahal pa kita

BINABASA MO ANG
Poem For You
RandomCompilation of requested poems na nakapost na sa Facebook account ko "Akihara Zhyx Beunaventura". I hope you'll like it too😂