(17) Crush

2 1 0
                                    

Title: Crush
✍ @atingbitter
Dedicated to: Kristine Caño

Limang letra sa isang salita
Ngunit isa ako sa tinamaan ng malala
T'wing papalapit ka'y biglang naging estatwa
Ngiti mo'y dahilan kung ba't tila napugtong tuluyan ang hininga

Ako'y nahuhumaling at biglang nabighani
May kakaibang naramdaman na namayani
Puso ko'y ikaw na ata nagmamay-ari
Ano bang ginawa mo ba't ito nangyayari?

Nahihiya ako sa t'wing ikay titingin
Pulang-pula t'wing kakausapin
'Pag dating sayo ako'y nagiging mahiyain
Sa isip ko'y gusto kitang maging akin

Paano mo ba ako mapapansin
Makuha ka kaya sa nakaw kong tingin
Nakakahiyang sayo'y umamin
Baka tuluyan mo na akong di pansinin

Mananatili nalang bang lihim na pagtingin
Itatago ko nalang ba ang aking damdamin
Paano kung may nararamdaman ka rin
Sana nga crush mo na rin

Lutang ang isip habang pinapangarap ka
Hindi napansin na nasa harapan ka
Ginulat mo ako, nagising yaring diwa
Biglang nasabi crush kumain ka na ba

Biglang lumaki mata, ba't nadulas pa
Daig ang hinog na kamatis sa sobrang pula
Naghahagilap ng salita para mapagtakpan pa
Ang mga sinabi, nakakahiyang talaga

Ngunit ako'y namangha sa pag-ngiti mo nang tuluyan
Napatulala nalang ng hindi ko namamalayan
May pag-asa na ba ang aking kabaliwan
Pakiusap magsalita ka naman

Hanggang sa ako'y tinitigan
Buka ng bibig mo'y aking sinundan
Hindi pa crush kaya kita nais anyayahan
Seryoso ba yan, napaka-swerte ko naman

Ika'y aking nginitian
Sa wakas pareho tayo nang nararamdaman
Tumayo ako, biglang nalang natumba at ika'y nadaganan
Konting konti nalang upang tayo'y magkahalikan

Hanggang isang batok ang aking naramdaman
Malapit na oh, kabitin naman
Kahit kailan talaga ang panira mong kaibigan
Sasapakin ka nalang, dahil nag-ilusyon nanaman

Poem For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon