(36) Daungan Ng Ating Pag-ibig

6 1 0
                                    

Title: Daungan Ng Ating Pag-ibig
✍@atingbitterkyut
Dedicated to: Gwen Cariño

Ang pag-ibig parang paglalakbay sa karagatan
May mga alon ng problema na kailangan mong lagpasan
Ikaw at ako ay pawang nakikipagsapalaran sa kamatayan
Malayo sa piling ng isat-isa, nakataya ang mga nararamdaman

Nandito ako naghihintay sa iyong pagbabalik
Sabik na sabik sa 'yong yakap at halik
'Di ba ako ang iyong nag-iisang pantalan
Mahal nasa'n ka na, nais na kitang masilayan

Lumipas ang taon at 'di mo pa rin binalikan
Naligaw ka ba sa ibang pantalan at ako'y iniwan
Akala ko ba pagmamahal ko ang nag-iisa mong daungan
Naghintay at nagtiwala ngunit bakit ako'y sinaktan

Wasak na ang daungan ng pag-ibig nating dalawa
Marahil ay masaya ka na sa kanya kaya'y nakalimot ka na
Salamat sa panandaliang oras mo at mga masasayang alala
Kasabay ng malaking hampas ng alon ang salitang paalam na

Poem For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon