(11) Isip Bata

5 2 0
                                    

Title: Isip Bata
✍ @atingbitter
Dedicated to: Belle Jane Gunhuran

Leron leron sinta,
Ikaw ang sinisinta

Ako nga'y napakaisip bata
Ang mahalaga mahal kita
Palaging naiisip sinta
Lalo na 'pag nalalayo ka

Pen pen de sarapen de kutsilyo
Sa puso ikaw pa rin

Hinding hindi kita ipagpapalit pa
Sa puso ko'y nag-iisa ka
Bibigyan ka ng halaga
Na nararapat sa 'yo sinta

Paa, tuhod, balikat, ulo
Pangako ko mamahalin kita ng buo

Ibubuhos ko oras sa 'yo
Ibibigay ang atensyon sa 'yo
Iaalay ko maging buhay ko
Mapatunayan lang na ika'y mahal ko

A, BA, Ka, Da
Iingatan ka
A, E, I, O, U,
Hanggad ko oo mo
Do, Re, Mi
Marry me

Isip bata man sa 'yong paningin
Walang hanggan naman kitang mamahalin
Hinding hindi kita papaiyakin
Bagkus araw-araw kitang patatawanin

Isip bata man akong ituring ng iba
Wala akong pakialam, basta iniisip kita
Magkasama tayong tatanda
Maiwan man ang isip ko sa pagkabata.

---
A,B,C,D kyut ko pa rin
A,E,I ou nalang kayo😂
Nabaliw na si ako😊

Poem For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon