Title: Luha
✍@atingbitterkyut
Dedicated to: Glaiza Mae LaysonLuha, isang salitang 'di ko mapigilan
Sa kasiyahan man o kalungkutan
Nag-uunahan silang magpatakan
Kahalintulad sa batang sabik sa lansanganAng bawat okay lang ako ay taliwas sa nararamdaman ko
Ang ngiti ay katumbas ng tinatagong hikbi sa pagtulog ko
Kada hagalpak na tawa ay may mabigat na nadarama
Hanggang kailan ko pipigilan ang luhang ayaw ng paawat paNaalala mo pa ba no'ng sinabi mong mahal kita?
Natuwa ako at napaluha dahil pareho tayo ng nadarama
Naalala mo rin ba ang sinabi mong paalam na?
Lumuluha sa pangungulila, hinahanap ka, nasaan ka naBumabalik ang lahat ng sakit
Bakit mo ako iniwan, punong puno ako ng bakit?
Saan ako nagkulang, bakit kailangan mong ipagpalit.
Minsan ang taong nagpapasaya ay magdudulot din sa 'yo ng paitHanggang kailan nga ba ako luluha?
Hanggang kailan sasabihin na mahal pa rin kita
Sana susunod na pagtulo nitong luha
Sa saya na-hindi sa taong lumisan at wala na

BINABASA MO ANG
Poem For You
AlteleCompilation of requested poems na nakapost na sa Facebook account ko "Akihara Zhyx Beunaventura". I hope you'll like it too😂