(4)Paalam

2 2 0
                                    

Title : Paalam
✍ @atingbitter
Dedicated to: Poor Writes Schreiben

Anim na letra sa isang salita
Pero libo-libo na ang napaluha
Simpleng salita na kapag minutawi
Tiyak na maiiwan kang may pusong sawi

Paalam,
Napakasakit pakinggan lalo na sa dalawang nagmamahalan
Nagmahalan, ngunit bakit mo iiwan?
Bakit pangako mo'y 'di mo mapanindigan
Dahil ba sa iba kaya ika'y lilisan?

Paalam na binigkas ko
Napakahirap pero kailangan gawin ito
Napakahirap ngunit kailangan tanggapin ito.
Hindi na lalaban sapagkat ito na pala ang hinihintay mo

Yung ako mismo ang tuluyang sumuko
Yung ako mismo ang bumitaw sa relasyong ito.
Yung ako mismo ang unang bumigkas nito
Akala ko ipaglalaban mo pa ako
Maling-mali pala ang hinala ko

Ika'y tuluyan nang papalayo
Habang unti-unting nagpapatakan ang luha ko
Patawad huling salitang sinabi mo
Huling salitang tumatak sa puso't isip ko

Mabubura na ang salitang tayo
Pagkat wala nang ikaw at ako
Papunta ka na sa bagong mahal mo
Hanggad ko nalang ang kaligayahan mo
Pero mahal, paano na ako?

Poem For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon