(8)Laro

8 2 0
                                    

Title: LARO
✍ @atingbitter
Dedicated to: Mariel Alice Flores

Ang pagmamahal ko sa 'yo ay parang laro
Sa bawat laro ay ako ang taya
Makalaro lang kita kuntento na ako
Makita lang kita na masaya kahit saglit lang sa piling ko

Laro tayo ng taguan,
Eksperto ako d'yan
Tagu-taguan ng nararamdaman
Na hanggang ngayon ay di mo pa din nalalaman

Laro tayo ng langit at lupa
Kung saan ikaw nasa langit samantalang ako'y nasa lupa
Ika'y aking tinitingala dito sa baba
Puno nang paghanga ngunit di mo makita

Laro tayo ng habulan,
Kung saan ako yung patuloy na naghahabol sayo
Ikaw naman yung pilit na binibilisan ang takbo palayo

Nakakapagod pala, "time first" muna
Gaya sa laro kailangan nating magpahinga
Hindi dahil sawa ka na
Kundi hindi mo na kayang umasa pa

Kahit anong pilit kong abot sa 'yo
Hindi mo pa rin pansin ang nararamdaman ko
Siguro nga wala lang ako para sa 'yo
Ako yung isang laro na panandaliang kasiyahan mo

Sawa na ko iba naman,
Pero puso ko'y ikaw pa rin ang laman
Sa larong ito ako ang naburo
Laging taya at laging natatalo

Laro ulit tayo, sipaang bola
Kung saan ikaw yung sisipa at ako ang magiging bola
Ikaw na mismo ang sumipa ng malayong malayo
Itodo mo na ang lakas mo

Masaya akong lilipad papalayo
Ito na ang huling laro
Kung saan ikaw ay masayang nanalo
At ako'y luhaang dulot ng pagiging manhid mo.

Poem For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon