Title: Katapusan Ng Lahat
✍ @atingbitter
Dedicated to: Mary Rose Beleña
Sa umpisa lang masaya
Ikaw at ako–tayong dalawa
Hawak kamay at magkasama
Hanggang sa nauwi sa salitang paalam na
Parang isang tula–tayo'y pinag-tugma
Parang isang k'wento–pinakilig tayo ng sobra
Parang isang musika na kalaunan ay magsasawa na
Lahat ng 'yon mauuwi sa dulo–tapos at wakas na
Kahit anong lalim pa ng pg-ibig mo sa kanya
Kahit anong tagal ng pinagsamahan niyo pa
Kahit may mga pangakong nabitawan na
Lahat ng iyon mauuwi din sa salitang malaya ka na
Katapusan na ng lahat–wala ng tayo
Wala ng ikaw at ako
Naglaho na ang pagmamahalan natin sa isat-isa
At parehong maghahanap ng kasama'ng bubuo sa panibagong istorya.
Panibagong istorya–bagong kabanata
Bagong mga kapareha–bagong ala-ala
May uusbong na pagmamahalan–bagong pagsasama
Mag-uumpisa sa panimula–umaasang mauuwi sa walang hangganan na
BINABASA MO ANG
Poem For You
AcakCompilation of requested poems na nakapost na sa Facebook account ko "Akihara Zhyx Beunaventura". I hope you'll like it too😂
