(20) Magkabilang Mundo

0 1 0
                                    

Title: Magkabilang Mundo
✍ @atingbitter
Dedicated to: Sharynne Montgomery

Pareho tayo'ng nakatanaw sa bilog na buwan
Taglay nitong ganda ay ating pinagmamasdan
Ngiti mo'y nais ko din na masilayan at ika'y tuluyang hagkan
Ngunit pa'no kung ika'y nakatira lang sa aking isipan

Magkaibang mundo ang sa ati'y hadlang
Malabong ipagkaloob lalo na ng maylalang
Lalo na kung ika'y kathang isip lang
Pa'no ang tayo, hanggang  pangarap nalang

Minahal kita kahit hindi mo alam
Hindi ko alam kung saan nagsimula aking nararamdaman
Minahal kita nang walang paalam
Kahit alam kong kailanma'y 'di mo matutugunan

Bakit sa'yo pa ako tinamaan
Kahit alam kong napaka-imposible naman
Ngunit pwede ba akong pagbigyan
Kahit saglit lang, kahit sa isang minsan

Susulitin ko ang sandali makasama ka lang
Kahit minsa'y mukha mo ay mahawakan man lang
Sa ilalim ng buwan habang magkahawak-kamay
Hihintayin natin ang haring araw hanggang ito'y sumilay

Napakasarap isipin ang mga bagay na ito
Ngunit hanggang isip na nga lang ba ito
Isang malabong tayo, malabong relasyon
Iba ang mundo mo at mananatili ka lang sa aking imahinasyon

Poem For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon