Title: Oras
✍ @atingbitter
Dedicated to: Louise AlmazarOras..
Apat na letra sa iisang salita
Hindi masukat ang katumbas na halaga
Nagagamit mo ba ito ng tama?
O isa ka sa mga taong nag-aaksayaAng oras ay mas mahalaga pa sa ginto
Bawat segundo, minuto at oras ay sulitin mo
Gamitin ng sapat at tama sa taong mahal mo
Para wala kang pagsisihan sa pagbalik tanaw moGusto kong bumalik sa mga oras na ako'y bata pa
N'ong panahong problema'y 'di natin alintana
Sa init ng araw tayo'y naglalaro na magkakasama
Kahit habang tumatagal tayo'y nagkakapikunan naTakbo dito, takbo paroon
Kahit mapagod at hinihingal noon
Hahabulin kita kahit pa umambon
Sa pagkaburot lang ay makaahonGusto kong ibalik ang oras kasama ang aking pamilya
Sama-sama sa hirap at ginhawa
Sabay-sabay naghihintay sa lamesa
Sa wakas ihahain na ang mga luto ni Ina.Sermon sa umaga ni ina
Istriktong bilin ni ama
Mga kapatid kong 'di na pauuto pa
Hindi man perpekto, basta kami masayaGusto kong ibalik nang may tayo pa
Hawak ang kamay ng isat-isa
Pangako na hindi maghihiwalay pa
Kahit ang buhok nati'y pumuti paSabay tayong dalawa na tatanda
Manonood sa mga apong makulit na
'Yan ang pangarap natin sa kasalukuyan diba
Makasal tayo at magkasama pa rin sa pagtandaNgunit ang tadhana ay ipinagkait 'yan sa 'kin
Ang oras ko ay tapos na, ako'y nabibitin
Madami pa sana akong gustong gawin
Kasama ang mga taong naging buhay ko na rinHeto ako nakatanaw nalang sa inyo
Nakatayo sa sariling puntod ko
Pinakikinggan ang huling paalam niyo
Bago ako bumalik sa nagbigay ng hiram na buhay koPaalam din mga mahal ko
Ang oras ko'y tapos na dito sa mundo
'Wag niyo sana kalimutan ang isang ako
Manatili sana ako sa mga puso niyo
Mahal ko kayo
BINABASA MO ANG
Poem For You
RandomCompilation of requested poems na nakapost na sa Facebook account ko "Akihara Zhyx Beunaventura". I hope you'll like it too😂