Title: Pagod Na Ako
✍ @atingbitter
Dedicated to: Kisha CainglesSampung letra sa tatlong salita
Sinabi ko sa 'yo kahit mahal pa kita
Oo mahal pa kita ngunit siguro sapat na
Sapat na ang mga tumulong luha, hindi ko na kayaHindi ko na kaya magpanggap na may kapansanan
Bulag sa masakit na katotohanan
Hindi nakinig sa iba at nagbingi-bingihan
Naging isang pipe na hindi maipahayag ang sakit na nararamdamanNgayon sasabihin ko na na ako'y nasasaktan
Bawat oras na nagdaan ay sumasagi ka sa aking isipan
Naaalala ang mga masasayang nakaraan
Lumuluha sapagkat 'di na nga mababalikanPagod na ako, suko na sa 'yo
Pagod na akong kumapit sa mga binuong pangako
Pagod ng umasa na babalik pa ang dating tayo
Pagod na ako, diba ito naman ang gusto mo?Oo alam kung gusto mo na ako mismo ang sumuko
Lalaban pa sana pero nasagad na ako hanggang dulo
Alam ko naman na talo na dahil matagal nang balewala sa 'yo
Kaya heto na pagbibigyan ko na ang hiling moMalaya ka na sa tangang katulad ko
Isang tanga na ibinigay lahat-lahat sa'yo
Minahal kita ng sobra kumbaga todo-todo
Kaya walang natira ni katiting sa sarili koPagod na ako kaya paalam na mahal ko
Alagaan mo sarili mo, maging masaya sa tatahakin mo
Tandaan mo sana na may isang ako na dumaan sa buhay mo
Handang pasayahin ka kahit masaktan man akoPanahon na para sarili naman unahin ko
Tatahakin ang landas malayo sa 'yo at muling pagtatagpiin ang nawasak na puso ko
Sisiguraduhin magiging buo muli ako
Hindi para sa 'yo ngunit para na sa taong darating pa sa buhay ko

BINABASA MO ANG
Poem For You
RandomCompilation of requested poems na nakapost na sa Facebook account ko "Akihara Zhyx Beunaventura". I hope you'll like it too😂