Title: Pagsuko
✍ @atingbitter
Dedicated to: Jambie Pordelizza Abrea Gumintad
Uumpisahan ko ito sa salamat dahil nakilala kita
Salamat sa mga araw na nakasama kita
Salamat sa binigay mong ala-ala
Salamat sa 'yo, ngunit 'di ko na kaya
Hindi ko na kaya, suko na ako
Paalam, sunod kong sinabi sa 'yo
Pas'yensya na kung bibitaw ako
Hindi ko na alam kung saan pa ako kakapit sa 'yo
Hindi ko na alam kung saan pa ba ko lulugar sa 'yo
O may lugar pa nga ba ko sa puso mo?
Iniisip mo pa nga ba ako?
Marahil hindi na, yún ang nararamdaman ko
Pakiramdam ko balewala lang sa 'yo
Ano nga bang naging halaga ko sa 'yo?
Masakit na dito, sobrang sakit na sa puso ko
Hindi ko na kaya pang manatili sa tabi mo
Patawad dahil sobrang hina ko
Hindi ko na kayang matagalan pa ito
Bawat oras na kasama kita, malayo ang tingin mo
Alam kong iba na ang nais na ng puso mo
Tamang hinala na ba ako?
Patawad kung papakawalan na kita
Marahil ay ako lang hinihintay mo
Yung ako mismo ang sumuko, tama ba ako?
Malaya ka na huling salitang binitawan ko
Papakawalan na kita, 'di ba yan ang gusto mo?
Malaya ka nang mapunta sa kanya
Hindi na kita hahadlangan pa,
Sana maging masaya ka sa piling niya
Kahit sobrang sakit na pakawalan ka
Para saan pa ang laban kung ayaw mo na
Susuko ako dahil mahal kita
Para makita ko ulit ang kinang sa 'yong mga mata
Kahit kapalit pa nito ang pagkadurog ko ng sobra
BINABASA MO ANG
Poem For You
RandomCompilation of requested poems na nakapost na sa Facebook account ko "Akihara Zhyx Beunaventura". I hope you'll like it too😂
