Title: Kamatayan
✍@atingbitterkyut
Dedicated to: Mae Garcia MonteflcoLahat tayo hahantong sa dulo
Kung saan walang ikaw at ako
Walang halaga ang pagiging tayo
Walang makakasama kundi sarili moAng dulo na kinakatakutan ko
Ang dulo na kinaiinisan ko
Ang dulo na iniiyakan ko
Ang kamatayan na iniiwasan moAno nga bang nakakatakot dito
Mas nakakatakot pang mabuhay sa mundo
Sari-saring problemang kakaharapin mo
At mga 'di inaasahang pangyayari na mararanasan moNatatakot lang naman tayo sa ideyang hindi mo nagawa ang nais mo
Hindi mo nasuklian ang pagmamahal ng taong nasa paligid mo
Lalo na 'yong makalimutan na nila na minsan nabuhay ka at naging tao
Nakakatakot lang na mamatay mag-isa at ililibing ka sa lupa na tinatapakan moKaya habang nabubuhay ka pa, gawin mo ang gusto mo
Kung ano nagpapasaya sayo, sundin mo ang nasa puso mo
Hanggat wala kang tinatapakang tao, ipagpatuloy mo
Dahil ang buhay 'di mo alam kung kailan kukunin sa 'yo
BINABASA MO ANG
Poem For You
RandomCompilation of requested poems na nakapost na sa Facebook account ko "Akihara Zhyx Beunaventura". I hope you'll like it too😂