(32) Iiyak Pero 'Di Susuko

20 1 0
                                    

Title: Iiyak Pero 'Di Susuko
✍@atingbitterkyut
Dedicated to: Fuentes Wenalene

Okay lang umiiyak man ako ng dahil sa 'yo
Mapagod man o masaktan ang aking puso
Hindi aayaw at ipaglalaban ko ang relasyong ito
Manghihina, hihikbi at iiyak pero 'di susuko

Lumalaban ako dahil nga mahal kita
Ayaw kong mawala ka kaya kumapit ka
Ayokong dumating ang oras na may panghinayangan pa
Gagawin ko ang lahat mapasaya lang kita sinta

Bakit kasi maraming makikitid ang utak
Kung ano-anong panghuhusga sa iba
Mga bibig na 'di mapigilang pumutak
Masasakit na salitang ibabato sa 'yo bigla

Ang pagsubok ay gan'yan talaga
Sinusubok ang ating mga pasens'ya
Kung pagsuko ay naiisip mo na
Balikan mo ang tanong na-bakit nga ba minahal ko siya?

Bumalik ka kung saan kayo nagsimula
Mga panahong kayo'y masayang magkasama
Mga pangakong binitawan at binuong ala-ala
Sana lahat ng yan ay sapat na para ika'y lumaban pa

Laban lang hanggang sa huli
Umiyak ka lang hanggang sa ngumiti
Lahat ng pagod ay sadyang mapapawi
Kung sa huli'y sa kanya ka rin uuwi

Poem For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon