(40) Sa Gitna Ng Dilim

9 1 0
                                    

Sa Gitna Ng Dilim
✍@atingbitterkyut
Dedicated to: Kimrae Wp

Naglalakad sa gitna ng dilim
Habang nag-iisip ng malalim
Kung ano ang dapat gawin
Sa 'di masukliang damdamin

Bakit nga ba tayo may pagtingin
Sa taong iba naman ang inaangkin
Kahit anong pilit mong gawin
Ang nais ng puso ay siya pa rin

Ako ang magsisilbi mong buwan
Naging liwanag mo sa iyong daan
Naghihintay na ako'y iyong pagmasdan
Ngunit mas gusto mo ang araw–ako'y iniwan

Dilim ang karamay para maitago ang sakit
Sa mata'y makikita mo ang lungkot at pait
Maraming tanong ang gumugulo–isa na ang bakit
Bakit nga ba hindi ako, pag-ibig mo'y pinagkait.

Sa gitna ng dilim, napangiti ng mapakla
Ika'y kasama siya, kapwa kayo masaya
Sana ako'y ganun rin, hanggang kailan tatanawin
Ipapalipad hangin na lang ang tinatagong pagtingin

Poem For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon