Title: Asawa Ko
✍@atingbitterkyut
Dedicated to: Fam Moon
Ang tulang ito ay para sa magiging asawa ko
Sabay kami'ng haharap sa altar, magsasabi ng "I do"
Sa loob ng simbahan, saksi ang ating Diyos at iba pang tao
Sana ikaw na 'yon mahal ko-ang makakasama hanggang sa pagtanda ko
Babasahin natin kapag uugod-ugod na tayo
Babalikan ang mga alaala na ating nabuo
Sana gan'yan tayo katatag, tayo hanggang dulo
Magkahawak kamay at hinding hindi bibitaw sa pangako
Masaya sa piling ng isat-isa
Libre lang naman mangarap 'di ba?
Inaasam ko lang naman ang makasama ka
Kasama sa hirap o ginhawa at nagsasabihan ng salitang mahal kita
Kaya mahal maging matatag lang sa pagsubok natin
Sabay nating haharapin at 'di natin iindahin
Hindi nito tayo pagbubukludin, ang isat-isa'y iintindihin
Patuloy kitang mamahalin, kaya mahal 'wag kang bibitaw sa relasyon natin
Hanggang mapugto ang mga hininga
Ikaw pa rin ang nasa isip at puso ko sinta
Gan'yan ka rin 'di ba? Kaya natin 'to 'di ba?
Sana nga, sana nga matawag kitang asawa ko-akin na
BINABASA MO ANG
Poem For You
AcakCompilation of requested poems na nakapost na sa Facebook account ko "Akihara Zhyx Beunaventura". I hope you'll like it too😂
