Title: Susuko na ako
✍@atingbitter
Dedicated to: Emeliza Agte
Susuko na ako
Masakit ngunit kailangan gawin ito
Tatapusin na ang relasyong ito
Wala ng ikaw at ako–wala ng tayo
Sumuko ako hindi dahil mayroong iba
Ika'y mahal pa ngunit napagod na
Tuluyan mo na akong binaliwala
Pati sarili'y nakalimutan ko na
Panahon na para magising sa katotohanan
Hindi lahat ng relasyon ay pang-matagalan
Hindi porke't nagmamahalan na ay wala ng iwanan
Sadyang may katapusan– ang lahat ay may hangganan
Hahakbang papalayo sa 'yo
Mga masasayang ala-ala natin ay itatago ko
Nais ko lang matagpuan ang sarili ko
Kung saan nawasak na at di na buo
Patawad bibitaw na din sa pangako ko
Hindi ko na kaya–nasasaktan na ako
Paalam na sa 'yo mahal ko
Malaya ka na sa kulungan ng pagmamahal ko
BINABASA MO ANG
Poem For You
RandomCompilation of requested poems na nakapost na sa Facebook account ko "Akihara Zhyx Beunaventura". I hope you'll like it too😂
