Title: Pafall
✍@atingbitter
Dedicated to: Bianca Marie Randoy
Bakit may mga taong umaasa?
Kasi may mga taong sobrang paasa
Marami tuloy ang nahuhulog ng 'di sinasadya
Lalagapak dahil wala palang sasalo sa kanya
Masakit kaya–mahulog tapos walang sasalo sa 'yo
Asang-asa ka na pareho ang nararamdaman niyo
'Yon pala ikaw ang nag-bigay motibo
Sa mga kilos niya'ng 'di mo kalkulado
Bakit kasi sobrang bait mo
Palagi mo pa'ng kinakamusta kalagayan ko
And'yan ka palagi–kalungkutan man o kasiyahan ko
Sino ba naman ang 'di mahuhulog sa isang kagaya mo
Hindi ko alam kung kailan–nahulog sa 'yo ng biglaan
Isang araw nalang ika'y inaabangan
Mga kaibigan ko na biglang mag-bubulungan
Sabay tulak sa 'kin palapit sa 'yo–sila'y tuluyang nawala sa katinuan
Alam ng lahat na nahulog na sa 'yo
Ikaw nalang siguro ang 'di nakakaalam nito
Sabi ng puso ko–pangalan mo
Sabi naman ng puso mo–paki-alam ko
Bakit sobrang manhid mo
Hindi mo ba papansinin ang isang tulad ko
Masasalo mo ba ako–ako na nabihag mo
O hahayaan mong mabasag at masaktan ang tulad ko
BINABASA MO ANG
Poem For You
De TodoCompilation of requested poems na nakapost na sa Facebook account ko "Akihara Zhyx Beunaventura". I hope you'll like it too😂
