Title: Nagbago Ka Na
✍ @atingbitter
Dedicated to : Nicole Jade Cruz LuartezNaaalala mo pa ba?
Kung paano tayo pinagtapo ni Bathala
Kung paano tayo nag-kakilala
Kung paano nagsimula ang "tayo na"
At kung paano tayo bumuo ng mga ala-alaNaaalala mo pa ba ang ating tagpuan?
Kung saan masaya tayong nagk'wentuhan
Masayng nagtaguan, habulan, at kulitan
Kung saan nag-umpisa ang ating pagmamahalan
Naaalala mo pa ba núng naging tayo na?
Masayang nakatingin sa isat-isa
Sinusulit ang mga oras na magkasama pa
Hawak kamay na tanaw ang buwan na papalubog naMarahil ay sadyang kinalimutan mo na
Ako'y isinantabi at binalewala mo na
Ala-alang tinapon mo nalang nang basta
Dahil sadyang nagbago ka naAsan na yúng dating minahal ko
Tuluyan mo na bang nilimot pag-ibig ko
Wala na ba akong puwang sa puso mo
Pakiusap naman sagutin mo akoHeto ako balisa at gulong-gulo
Ikaw pa rin ang tumatakbo sa isip ko
Kahit sobrang masakit na ang damdamin ko
Ikaw at ikaw pa rin ang tinitibok ng puso koMarahil nagbago ka na nga talaga
Hindi ko pa rin matanggap, sadyang tanga
Umaasang ikaw ay muling babalik pa
Sapagkat ikaw pa rin ang sinisigaw ng puso ko sinta
BINABASA MO ANG
Poem For You
RandomCompilation of requested poems na nakapost na sa Facebook account ko "Akihara Zhyx Beunaventura". I hope you'll like it too😂