(37) Umuwing Luhaan

4 1 0
                                    

Title: Umuwing luhaan
✍@atingbitter
Dedicated to: Alexandra Solis

Sa iyong agarang paglisan
Ako'y umuwing luhaan
May isip na naguguluhan
May pusong sugatan

Nang ika'y kasama pa
Saglit na ako'y sumaya
Nang biglang lumisan ka
Luha ko'y rumagasa bigla

Ang salitang tayo
Nahati sa ikaw at ako
Pangakong napako
Samahang gumuho

Bakit nga ba humantong tayo dito
Anong pagkukulang ko sa 'yo
Dapat sinabi mo sa 'kin mismo
Para 'di maiwang nalilito at tuliro

Napuno ako ng hinanakit
Binigay mo'y purong sakit
Punong-puno ng tanong na bakit
Kasagutan ba'y ipagkakait

Nais ko'y isang kasagutan
Sa tanong na bakit mo ako iniwan
Dahil ayoko na maging luhaan
Lalong ayoko nang masaktan

Poem For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon