Title: Bakit Ikaw Pa
✍@atingbitter
Dedicated to: Chanelle Hernandez & Catherine Lopez
Ikaw,
Sumulat ako ng tula na ikaw ang simula
Simula no'ng ako'y namangha
Namangha sa taglay mong katangian na kakaiba
Kakaiba ka kasi sa lahat ng aking nakilala
Bakit Ikaw pa–maraming iba pa naman
Marami nga'ng iba ngunit bakit sa 'yo pa tinamaan
Tinamaan ang puso sa 'yo ng biglaan
Biglaan nalang tumibok na hindi ko na matandaan kung kailan
Kailan mo ba ako mapapansin
Mapapansin mo nga ba ang lihim kong pagtingin
Pagtingin na sana ganun ka rin sa akin
Sa akin mo nalang ibaling ang iyong damdamin
Bakit Ikaw pa–bakit sa 'yo pa
Sa'yo na mayroon nang iba
Iba ang mahal mo–hindi ako
Ako lang ang nagpapakatanga at umaasa
Umaasa na maging tayo sana
BINABASA MO ANG
Poem For You
RastgeleCompilation of requested poems na nakapost na sa Facebook account ko "Akihara Zhyx Beunaventura". I hope you'll like it too😂
