(19) May Pag-asa Nga Ba?

1 1 0
                                    

Title: May pag-asa nga ba?
✍ @atingbitter
Dedicated to: Frençes Gabriel

May pag-asa nga ba?
Isang tanong na may malabong sagot pa
Sa isang kaibigan na tila nagugustuhan ko na
May pag-asa ba ako o wala talaga

Napakahirap ng pinasukang sitwasyon tila'y naiipit ako
Lalo na kung umibig ka sa isang taong kaibigan lang ang tingin sa 'yo
Bibigyan mo ba nang halaga ang samahan niyo o ipipilit pa ang nararamdaman mo
Hindi ko na alam gulong-gulo ako

Nanahimik kong puso'y binulabog mo
Sa simpleng ngiti mo lang nabihag agad ako
Tila nahipnotismo sa mga titig mo
Sadyang tinamaan bigla sa 'yo

Alam kong malabo nga ito,
Ngunit umaasa ang puso ko
Na sana mapansin mo ang isang ako
Isang ako na humahanga na pala sa 'yo

Naglakas-loob na magtapat sa 'yo sinta
Oo at hindi lang ang sagot ngunit pinatagal mo pa
Alam mo bang ako'y kabado at tila'y balisa na
Mawawala ba ang kaibigan ko na minahal ko na

May pag-asa nga ba ako?
Isang tanong, ngunit maaring dalawa ang isagot mo
Alin man sa dalawa, maluwag na tatanggapin ko
Ano man ang mangyari mananatili pa rin sa tabi mo.

Mananatili pa rin ako sa tabi mo
Oo maging kasintahan o kaibigan mo
Igagalang ko ang magiging desisyon mo
Kaya sana bigyan mo na nang linaw ang katanungan ko

Maghihintay ako sa mga kasagutan mo
Katulad ko'y alam kong ika'y naguluhan na
Pasens'ya na minahal kita
Minahal ko ang pinakamalapit na kaibigan ko pa

Poem For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon