(42) Nakaka(t)awa

5 1 0
                                        

Title: Nakaka(t)awa
✍@atingbitterkyut
Dedicated to: Editha May Ignacio Villanueva

Nakaka(t)awa 'yong mga taong hanap lang ay gulo
Aawayin ka at kung ano-ano pang ibabatong insulto
Kapwa tao hihilain mo pababa, wala na ba kayong bago?
Ano bang motibo o makukuha mo-nakaka(t)awa kayo

Nakaka(t)awa 'yong mga taong 'di makuntento
Gagawin ang lahat makuha lang ang kanilang gusto
Naghahangad higit pa sobra,aapakan pati kapwa tao
Gan'yan na ba ang tao, aangkinin kahit 'di sa 'yo?

Nakakak(t)awa pag nagmahal ka ng sobra-sobra
Pati sarili mo makakalimutan mo ng dahil sa kanya
Binigay mo nga lahat ngunit sa huli iiwan ka rin pala
Masasaktan at ngangawa ka sa sakit na idinulot niya

Nakaka(t)awa ang mga taong sumuko makipagsapalaran
Kadalasan natatakot masaktan ang kanilang katwiran
Sumuko sumubok sa bagong nakakamanghang matuklasan
Nagpatangay sa problema at humantong sa kamatayan

Poem For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon