Title: Lumihis
✍@atingbitterkyut
Dedicated to: Panumbhe ShineAlam kong ayaw mo na
Alam kong ika'y sawa na
Alam kong 'di ka na masaya
Alam kong mahal mo'y ibaPakiusap ko lang sa 'yo sabihin mo
Para maihanda ang sarili ko
Maghanda sa mga pagbabago
Unti-unti kong nararamdaman itoAting samahan na unti-unting naglalaho
Mga pangako na isa-isang napapako
Lumihis na ang pagmamahal mo
Hindi na ako, hindi na ako ang nasa puso moMasakit man ngunit yan ay totoo
Ramdam ko sa panlalamig mo
Ramdam ko sa mga pakikitungo mo
Sana mali-sana mali ang mga hinala koPakiusap ko sa 'yo umamin ka na
Ayoko dumating sa punto na mahuhuli pa kita
Na makikita ko mismo sa aking mga mata
Mahal handa akong pakawalan kaMasakit ang magiging desisyon ko
Nakasalalay dito ang aking puso
Paano na ako pagkatapos nito
Iiwang luhaan at nangungulila sa 'yoMahal kung ang damdamin mo ay lumihis
Pakiusap ko sa 'yo mauna ka ng umalis
Hanggat kaya kitang palayain
Hanggat kaya kong tiisin ang damdamin

BINABASA MO ANG
Poem For You
DiversosCompilation of requested poems na nakapost na sa Facebook account ko "Akihara Zhyx Beunaventura". I hope you'll like it too😂