Title : Hindi pinagtagpo
✍ @atingbitter
Dedicated to: Iazaih Clynadee WritesNapakalupit talaga maglaro ni tadhana
Nagmahal pero hindi pala para sa isat-isa
Nagmahal pero may Iba na pala
Nagmahal pero sasaktan ka lang pala niya
Mga pinagtagpo ngunit hindi itinadhanaPero alam mo kung ano yung mas masakit pa?
Yúng kailanman hindi kayo magkikita pa
Kahit anong laban mo sa tadhana ay wala kang pag-asa
Pag-asang makasama at mahalin ka pa.Paano ka mamahalin kung hindi kayo pinagtagpo
Paano ka niya makikilala kung mundo niyo ay magkalayo
Paano kung nagmahal ka ng isang kathang isip lang
Paano mo kakayanin na siya'y panaginip langSiya'y nabubuhay sa pekeng mundo
Habang ikaw ay nakikipagsapalaran sa tunay na mundo
Ang iniisip mo ay malabong magkatotoo
At ang inuukit mong pag-ibig ay maglalahong parang aboHindi kayo pinagtagpo ika nga nila
Napakagulo at napakalabo pa
Hindi magdudugtong ang isip at puso
Lalo na kung ika'y totoo at siya'y mananatiling nasa libro.

BINABASA MO ANG
Poem For You
RandomCompilation of requested poems na nakapost na sa Facebook account ko "Akihara Zhyx Beunaventura". I hope you'll like it too😂