Title: Araw Ng Katangahan
✍@atingbitterkyut
Dedicated to: Aslayn Mustapha Sultan
Sa walong bilyong tao sa mundo
Isa lang ang tanging nakalaan para sa 'yo
Kapag natagpuan mo siya'y ingatan mo
Mahalin mo ng walang kahati na kahit sino
Minsan magulo ang pagpana sa tadhana
Araw na ng katangahan kapag sa 'yo tumama
Kahit subukan mong umiwas ay 'di na kaya
Sapagkat ika'y natamaan sa 'di naman itinadhana
Nasubukan mo na bang magmahal na 'di masuklian
Mahalin ang taong turing lang sayo'y kaibigan
O kaya pinangakuan nga ngunit ikaw rin pala'y iiwan
Hindi puro saya pag nagmahal, handa ka dapat masaktan
Kung nasaktan ka na magmahal ka lang ulit
Kung umiyak ka subukan mong ngiti'y iukit
Ang mahalaga di ka sumuko at may natutunan ka
'Di porket nagmahal-tanga na, magmahal ka hanggat mahanap mo siya
BINABASA MO ANG
Poem For You
DiversosCompilation of requested poems na nakapost na sa Facebook account ko "Akihara Zhyx Beunaventura". I hope you'll like it too😂
