Title: Hangganan
@✍atingbitterkyut
Dedicated to: Vivan Rein Barlam MagtalasNagsimula tayo sa tanong na sino ka ba?
Tayo'y nagpakilala at nagkamabutiban na
Hindi ko man inakala na pareho tayong mahuhulog sa isat-isa
Hanggang ikaw at ako ay nauwi sa pagiging tayo naNapakasarap na makasama ka habang hawak-kamay
Bumubuo ng mga masayang alaala habang naglalakbay
'Di alam kung saan patungo, isat isa'y tanging gabay
Buong pagmamahal ay iaalay basta ganito tayo habang-buhaySana nga manatiling ganito, oras ay huminto
Kung saan ang mga pangako ay 'di pa napapako
Mahal kita, walang iba, walang iwanan hanggang dulo
Salitang sinasambit na kay sarap sa pandinig koNgunit nagpadaig tayo sa mga pagsubok
Isa sa atin ang bumitaw sa relasyong ito
Heto ako umiiyak na lang sa isang sulok
Dahil ang mahal ko ay naunang sumukoLahat nga pala ay may hangganan
Lahat ay may kakahantungan
May maiiwan at magiging luhaan
May mang-iiwan ng walang lingunanMagtatapos pala tayo sa salitang sino ka ba?
Hindi na nais na makilala at maka-alala
Hindi ko man inakala na mauuwi sa wala
Ang tayo ay magiging ako nalang-ikaw ay may iba na

BINABASA MO ANG
Poem For You
RandomCompilation of requested poems na nakapost na sa Facebook account ko "Akihara Zhyx Beunaventura". I hope you'll like it too😂